Wednesday, December 06, 2006

Donation Drive for Typhoon Reming



Ang daming namatay sa Bagyong Reming, marami ang nawalan ng bahay, at mga mahal sa buhay sa Albay, Bicol. Nakaisip si Jep ng paraan kung paano makakatulong sa ating mga kababayan kahit sa maliit na paraan lang.

Sa mga nais tumulong eh pwede kau mag donate ng mga damit at pagkain sa ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya sa 13 Examiner St., South Triangle, Quezon City. Para naman sa cash donations, pwede nyong i-deposito sa Equitable PCIBank Account Number 1491-04069-2. O kaya tumawag sa ABS-CBN Foundation sa number na (63)2-4110846.

Kung gusto nyo tumulong pero wala kayo sa Pilipinas ay maari pa din, pwede nyong gamitin ang XOOM na sinet up ni Jep. Lahat ng maiipon ay ibibigay sa ABS-CBN Foundation.

Sana magtulungan tayo. Maraming Salamat po.


Sunday, December 03, 2006

Cutie Mocha :)



Eto na si Mocha, cute noh? :D... kakagigil na nga eh.. kaya lang pikit pa mata nya dyan eh, ngayon naka dilat na pero nde ko pa nakukunan bago pictures :D. post ko agad kapag meron na bago :D

Salamat kay Jep sa pag upload sa youtube.

Tuesday, November 28, 2006

Monday, November 27, 2006

New Pet =D

Last year eh nanganak yun aso namin, lalake at pinangalanan kong "MENO" (white na may mga black sa katawan nya), kung bakit meno? kase akala ko yun na ang last na anak nya at magme-menopause na yung aso namin eh =D. Kaya nanggaling ang "meno" sa word na "menopause". kaya lang ilang buwan lang sya nabuhay kase nagkasakit at namatay agad. :( nalungkot talaga ako nung namatay si meno. At inakala naming hindi na talaga sya magkakaanak pa.


eto si meno:(, pogi noh?


Pero bigla na lang namin napansin na malaki na naman uli tyan nung aso namin, buntis pala uli :D, at nung Nov. 22 nga eh nanganak uli sya. babae naman :D, medyo hawig din sya kay meno, yun nga lang hindi black ang nasa katawan nya kundi brown :D, kaya MOCHA naman ang pangalan nya =D. sana hindi na sya uli magkasakit tsaka sana pareho ni meno na cute at malikot, =D.


eto naman si mocha


Wala pang isang linggo si mocha dyan, kaya pikit pa sya, pero parang hawig din kay meno eh, brown nga lang sya =D. Kapag nakadilat na sya eh popost ko uli picture nya =D.

Sunday, November 19, 2006

Panalo si PACQUIAO!!!

Kakatapos ko lang mapanuod yung laban ni Pacquiao at Morales.

Yehey!!! Nanalo si Pacquiao! 3rd round lang, Knocked out si Morales,
hahaha ;)


Tuesday, November 07, 2006

He's home again.

Nung Nov. 5 pa nandito si papa sa bahay, hindi lang ako nakakapagblog kase natatamad ako eh =D.

Kami lang ang sumundo sa kanya (mama, ako at yun dalawa ko pang kapatid), hindi na kase kasya mga lola ko sa kotse kaya kahit gusto nila sumundo eh wala na sila sasakyan, hehe.

Eto nga pala pasalubong ni papa sakin, isang 19inch wide screen lcd monitor.. hehe


Si mama binilhan din nya ng bagong cellphone, at yung dalawang kapatid ko naman eh chocolates, hindi ko na kinunan nang pictures kase konti lang dala eh =D.

Matagal na nagbabarko si papa, 2years old pa lang ata ako nung una syang sumakay sa barko. Medyo sanay na kami na hindi namin sya lagi kasama... pero syempre mas masaya kapag nandito na si papa,lalo na kapag mga first week pa lang nya dito kase parang kahit makukulit kami eh hindi pa sya napipikon o naiinis agad... pero kapag nagtagal na eh mabilis na sya mainis, hahaha.

Anu-ano nga ba pinagkaiba kapag nandito si papa at wala? sige subukan ko isa-isahin.

KAPAG NANDITO SI PAPA :
--> Kelangan kapag nagising sya ay gising na din kaming lahat, kahit pa walang pasok o kahit na puyat ka pa. =D

--> Kelangan maglinis ng bahay sa umaga habang sya ay nanunuod lang sa mga naglilinis. =D

--> Kelangan laging may juice sa ref. (samantalang kung kami lang eh si bunsoy lang ang laging nagtitimpla).

--> Kelangan na laging may hotdog sa almusal.

--> Kelangan na ang cornbeef ay laging may kasamang pritong itlog.

--> Kapag may gulay ay kelangan din na may pritong isda.

--> Kelangan lagi syang kasama ni mama kapag namamalengke, kahit pa hindi sya marunong mamalengke... at kapag naman pupunta sya ng office eh kelangan na lagi din kasama si mama.

--> Si papa lang ang nag mi-midnight snack sa amin, minsan kahit late na at walang laman ang ref eh lalabas pa, para lang maghanap ng makakain. =D

Eto pa lang yung mga naiisip ko, kapag may naisip pa ako ay idadagdag ko agad. ;)

Dito na lang muna... saka na uli ako magkukwento tungkol kay papa ;).

Friday, November 03, 2006

Malapit na =D...

Malapit na umuwi si papa, hehe.. la lang.. na eexcite na kase kaming lahat dito sa bahay eh =D.

Sunday, October 29, 2006

October Celebration

Wala lang akong maisip na ma ipost kaya heto, hehe
Ilang tulog na lang at November na naman... bilis noh?

Sa pamilya namin eh ang buwan ng October ang pinakamaraming celebration, bago pa matapos ang Oktubre eh isa-isahin ko lang muna yung mga celebration sa buwan na to.


October 1 - Francis's birthday

October 5 - Tita Ray-Ann's birthday

October 6 - Carlo's birthday

October 17- Tatay & Nanay's 46th Anniversary

October 19- Ate Cecille's birthday

October 22- Rap-rap's birthday

October 24- Mommy Bella's birthday

October 30- Jowey's birthday

Mayroon nagumpisa sa Oct. 1 at may closing din kami ng Oct. 30 =D.

Halos sunod sunod ang handaan... kaya lalong mahirap magpapayat =D. Tapos malapit na din magpasko, hay mas maraming kainan yun =D.

Thursday, October 19, 2006

Hala! Lagot ka Cathy... 'wag na mangatwiran pa!



Kay Jep ko unang narinig ang recording na ito, gusto ko lang din i-share sa inyo kase natawa ako nung marinig ko to =D.

Sa susunod kase siguraduhing naka press sa mute... bago magsalita ng hindi maganda, para hindi mapaaway o hindi maaway =D.


Tuesday, October 17, 2006

Finally, I'm back again!


Domestic Airport dito sa Manila


Sa wakas... nakapag computer na uli ako! ilang linggo din akong walang computer ah (nasira kase eh) =(.

Anyway, pumunta kami ni Jep ng Bohol last Sept. 26-29, okay naman, naging maayos naman ang bakasyon namin.. yung panahon na binabagyo dito sa Manila eh ambon lang sa Bohol.

Madami din kaming napuntahan ni Jep... nakapunta kami sa Hinagdanan Cave, Blood Compact, Chocolate Hills, Man-Made Forest, Loboc River, Loboc Church & Museum, Tarsiers, Baclayon Church.. at kung saan saan pa ;)... yung mga pictures eh hindi ko pa mapopost lahat... pero popost ko na din yung iba :D


parang cotton noh? hehe



Tagbilaran Airport



eto na ang kweba =D



Chocolate Hills



214steps... bago mo makita yan, pero sulit naman! ganda!



Tarsier


Yan na muna ang mga pics... sa susunod na uli yung iba kase hindi pa nareresize eh =D

Thursday, September 21, 2006

Hay buhay!

Sa wakas... nakapag blog din ako uli. medyo busy busyhan ako nito mga nakaraang araw. Dami ginagawa... dami din nangyari. Yung iba nga nakalimutan ko na eh, hehe.

Nga pala, bago ko pa makalimutan eh magpapasalamat na ako sa mga taong palagi pa rin pumapasayal sa aking munting tahanan. Wala man kayong naabutan na tao eh patuloy pa din kayo sa pagdaan. Maraming maraming salamat po. Hindi ko na kayo iisa isahin kase alam nyo na kung sinu sino kayo :D.

Share ko lang sa inyo na yung tito ko, finally eh nagpakasal na sa partner nya nung Monday (12 years na sila magkasama at dalawa na anak nila). Kung iisipin nga namin eh sa dami ng pinagdaanan nilang pagsubok at problema sa relasyon nila eh parang wala nang kasalan na magaganap eh, pero natuloy pa din ang kasalan. Isa na din sa reason nila sa pagpapakasal eh yung mga bata. Ang bata kase ang pinakakawawa kung sakali eh. At least ngayon masasabi na nilang legitimate na yung mga bata. Sana tumagal pa pagsasama nila.. at sana mas maging matibay pa.

Teka... bakit nga ba ako nag blog ngayon? ay para pala maglabas ng sama ng loob. Kanino masama ang loob ko? Sa mama ko at sa iba pang kamag anak ko. Kwento ko sa inyo. Next week kase eh pupunta kami ni Jep (Boyfriend ko, morethan 3 years na kami) sa BOHOL para mamasyal, 3 days kami doon. nakabile kase kami ng ticket sa Cebu Pacific na promo eh (Php10.00 lang ang ticket plus taxes). Kanina nagusap kami ni mama, eto usapan namin:

mama : kelan ba kayo pupuntang Bohol?

ako : next week na.

mama : sinu kasama nyo?

ako : yung pinsan ni jep, sila kuya ___ at yung GF nya.

mama : kayo lang?

ako : oo, bakit?

mama : sasabihin ko muna sa papa mo. kapag tumawag sasabihin ko

ako : eh di sabihin mo, tagal na ako nagpaalam sa inyo eh, march pa lang nagsabi na ako. Bakit hindi mo ba nababanggit kay papa?

mama : hindi ko pa nababanggit. paalam ka muna sa kanya kapag tumawag (yung tono na parang ayaw na ako papuntahin sa Bohol).

ako : sige mamaya kapag tumawag bigay mo sa akin, kakausapin ko. wala naman masama sa pagpunta ko sa Bohol eh, Kung si D! nga pinapayagan nyo pumunta sa probinsya eh.

mama : bakit sinu ba kasama nun? kaw sinu kasama mo?

ako : mga classmates nya kasama nya... ako si jep.... anu naman pinagkaiba nun?

mama : ewan ko sayo

ako : hirap kase sa inyo masama iniisip nyo eh, kung gagawa ako ng kalokohan eh di sana dati pa... malamang may apo na kayo. (sabay alis ko sa tabi nya pumuntang kwarto).

Patuloy pa din sa pagsasalita si mama sa labas habang kausap ang pinsan ko, natural lang daw na magalala sya kase magulang sya. OO magulang sya... pero hindi sya mag aalala kung buo ang tiwala nya sakin! sa edad kong ito (24 pa lang ako ha), siguro naman alam ko na ang tama at ang mali. sa kapatid ko na pangalawa eh buong buo ang tiwala nya... pinapayagan nyang pumunta ng mga probinsya, tapos payag din syang makitulog yun sa iba... paano ba sya nakasiguro na walang kasamang lalake yun? (hindi sa sinisiraan ko kapatid ko, pero diba kapag sinabing kaibigan eh hindi mo alam kung puro babae yun?). Nakakasama kase ng loob eh, hindi porket alam nilang boyfriend ang kasama ko eh iba na agad ang naiisip nila. Kung talagang may tiwala sya eh hindi na sya kailangan pang magduda. Kung kilala nya talaga ako eh, alam nya dapat na may respeto ako sa kanila at hindi ko hahayaan na masira ang tiwala nila at ang buhay ko!

Sana lang maisip nila yun. :(

Ang hirap kase magrason sa kanila eh, sasabihin nila natuto na akong mangatwiran. Hay Buhay! Hirap talaga magpalaki ng matatanda! :(

Wednesday, September 06, 2006

Unlimited Texts to ALL Networks

Textcretary Unlimited Text to All

We're selling prepaid cards that enables any mobile gsm subscriber to send unlimited texts to all local GSM networks. If you're interested, please visit our site at: http://www.mypapani.com/textcretary/



Sunday, August 27, 2006

Bakasyon muna

Sa ngayon po eh kailangan ko muna magbakasyon sa pagboblog. hindi naman ako mawawala eh, dadalaw dalaw pa din ako sa mga kapitbahay ko. yun nga lang, hindi na ako makakapag update ng blog ko nang kasing dalas ng dati, pero mag uupdate pa din po ako ;).

Hanggang sa susunod! ;)

Friday, August 25, 2006

4 years old na si Ishi , laki na nya!


Ishi kulit


Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag post ha? Wala kaseng pumapasok sa isip kong magandang ipost eh, tsaka wala din kase ako sa mood na gumawa ng entry nitong mga nakaraang araw eh.

Anyway, Kagabi galing ako kila Dailon (college friend ko), birthday nya kase eh (actually ngayon ang birthday nya kaya lang off nya kahapon kaya kahapon siya nagpapunta). May konting handaan sa kanila kaya pinapunta nya ako.. tsaka medyo matagal na din kase kaming hindi nagkikita eh. isa pa para na din makita ko yung inaanak ko (huli kong nakita si Ishi nung binyag nya, haha).

Pagkadating ko dun eh sinalubong agad ako ni Lohn at ni Ishi, syempre si ninang naman eh nag abot naman ng maliit na regalo, tuwang tuwa naman yung bata, hehe. Pagpasok ko sa loob ng bahay eh medyo nanibago ako, medyo naging maluwang yung bahay nila, nagparenovate daw sila. Kinumusta ko na din si Tita, yung mommy ni Dailon.

Sa iba pang bisita ni Lohn eh isa lang ang kakilala ko, hindi ko pa close.. ayoko naman humalo sa iba kase nag iinuman sila, hindi naman ako umiinom eh, at kung sakaling umiinom ako eh hindi din pwede kase magda drive pa ako pauwi eh. Kaya si Tita na lang ang kakwentuhan ko.. at si Ishi na sobrang kulit, hehe... nung una eh pasilip silip lang sakin si Ishi, tapos nung nag umpisang kausapin ako eh hindi na ako nilayuan. Nandyan yung magcolor kami ng books nya, nagsulat din sya ng name nya, pati numbers 1 to 100 eh sinulat na din, haha, hindi na talaga nagpapigil yung bata.. nagdrawing pa nang kung anu anong shape, hehe.


singkit


Tuwang tuwa nga ako kay Ishi eh, kahit na makulit eh nakakaaliw naman. haha, isa pang kinatutuwa ko kay Ishi eh pareho kaming singkit samantalang wala namang singkit sa bahay nila (bagay ko nga daw maging anak eh).

Pagkatapos ng kulitan eh natulog na din ang bata kase may pasok pa kinabukasan eh, kaya kami naman ni Lohn ang nagchikahan, sandali na lang kami nag usap kase kailangan ko na din umuwi eh, late na at wala din akong kasama umuwi.

Happy Birthday sayo Dailon at sa isa pang "dating" friend ko :D.

Nga pala, hanggang ngayon eh hindi pa din ubos ang gatas, hehe... wala na kaseng nagtitimpla eh. ;)

Saturday, August 19, 2006

Baby Milk for Adult =)


One Year onward naman eh! hahahaha


Kaninang tanghalian (11:30am) eh nagpaplano na sila mama at yung bunso namin na pupunta sila ng SM, wala lang magpapalamig lang sana =). Kaya lang kaninang mga 1:30, habang naliligo si bunso eh sumakit ulo ni mama, kaya hindi na sila natuloy pang umalis.

Dahil sa naubusan si mama ng gamot nya para sa migraine eh nagpabili na lang sya sa aming magkapatid sa labasan (malayo kase botika sa amin eh). Nagpabili na din sya ng tinapay na pang meryenda at gatas.


Yung gatas eh panlagay namin yun sa kape, mas nasasarapan kase kami kaysa sa cream eh (CoffeeMate).

Eh di umalis na kami magkapatid, dala namin yung kotse namin. Sa may botika eh walang parking kaya iniwan ko yung kotse sa malapit sa botika, yun nga lang tatawid na lang ako. tumawid na ako at bumili ng gamot. Sa tabi ng botika eh may mini grocery, pumasok na din ako at bumili ng tinapay at gatas. nagmamadali ako kase iniwan ko yung kapatid ko sa parking eh. tapos pagkabili ko eh umuwi na kami.

Pag kauwi namin eh, pinainom ko na agad si mama ng gamot nya, tapos nagmeryenda na kami ng tinapay... syempre masarap ang may kape, kaya nagtimpla ako, sinamahan ko na din ng gatas na binili ko... sabi ko parang iba lasa... pero sige tuloy lang sa pag inom, naubos ko na. Sarap naman eh =)

Ngayong gabi naman eh nagtimpla si mama ng gatas (walang kape), hahaha nagtaka din sya kung bakit iba ang lasa, tinignan nya yung box ng gatas, hahaha pang bata pala. pang isang taon yung gatas. hahaha, sumakit tyan ko sa kakatawa. sabi tuloy ni mama, ubusin ko daw lahat yung gatas dahil hindi na pwede ipapalit yun eh, hehe. Hindi naman kaya masira tyan ko sa gatas ng bata? (kung sa bagay, baby nga kaya nila eh =)).







Hanggang ngayon na pinopost ko to eh tumatawa pa din ako mag isa, para na nga akong baliw eh, hehe. Yun lang po, share ko lang yung experience ko ngayon, hahaha.

Saturday, August 12, 2006

Pictures nung birthday ni mama

Sa lahat po ng bumati sa birthday ni mama ay maraming maraming salamat po sa inyo.
Eto na din pala yung mga picture namin, hehe muntik ko na makalimutan ipost :D.



Medyo madami rin naman dumating, pero puro kamag anak lang :D.











Medyo konti lang mga kuha kase lahat busy sa pagkain eh =). Naisip na lang nila magpicturan nung tapos na kami kumain, hehe.

Nga pala madami pang natira sa handa, nilagay lang namin sa ref at kinain ulit namin nung sumunod na araw :D, microwave lang katapat nun. =))

Wednesday, August 09, 2006

Happy Birtday Mama!

Happy Birthday Mama!!!


yan si mama


Hulaan nyo nga kung ilan taan na sya? :D

Maghahanda kami ng pang meryenda mamya... pupunta kase mga lola ko mamya eh... kwentuhan ko na lang kayo pagkatapos na kainan... ikakain ko na din kayo :D.

Saturday, August 05, 2006

Happy Birthday Tito Ervin :(

Birthday ngayon ni Tito Ervin, 59 years old na sana sya ngayon... kaya lang wala na sya eh, he died last November 2, 2005. Nakakamiss nga sya eh.


yan si Tito Ervin, nakasingit pa yung kapatid ko :D


Si Tito Ervin ay pinsan ni papa ko, sa Amerika sya talaga nakatira, pero nung tumigil na sya sa pagtatrabaho eh naisip nyang bumalik dito sa Pilipinas para mag enjoy. February last year nang umuwi sya ng Pilipinas at sa amin na tumira si Tito... almost 8 months namin sya nakasama.

Matagl na syang may diabetes... hindi nga lang sya masunurin sa doctor kase lahat ng bawal eh yun ang ginagawa nya, ang reason nya kase "dibale na daw kase may gamot naman at kung mamatay daw sya eh sa sarap" :D. kaya lumala ang sakit nya at nagkaroon ng komplikasyon na syang kinamatay nya :(.

Kaya siguro ganun na lang sya kung gumastos... lahat na ata ng pwedeng bilin eh binibili nya kahit na hindi na para sa kanya, mahilig syang magbigay. Masiyahin at palakaibigan si Tito. Siguro nga alam nyang malapit na sya mawala kaya nag enjoy na lang sya. Masasabi ko na sa tinagal nya sa Amerika eh pinili pa rin nyang mamatay dito sa atin :(.


Babai Tito... :(

Hay... nakakamiss talaga si Tito :(

Friday, August 04, 2006

Syke = weirdo, Weirdo = syke

April last year pa ako ginawan ng template ni Jep para dito sa blog ko. Dial-up pa lang gamit ko noon, kaya hindi ko masyado pinapansin ang blog ko. Nakakapagpost lang ako kapag hindi tinotopak dial-up ng Bayantel, o kaya naman kapag nakakapunta ako sa kanila (kila Jep).

Last July 14, 2006 eh nagpakabit na kami ng Bayantel-DSL. Simula noon eh nag enjoy na ako sa pagpopost sa blog ko. Nakakatuwang magclick ng magclick para tumingin ng iba't ibang blog at para makipag link exchange :D. Nakakatuwa ding magbasa ng mga comments na galing sa mga taong hindi mo naman talaga kakilala, syempre nagcocomment din ako sa post ng ibang bloggers.

One time meron akong naclick na blog, kay Gigi at sa pagbabasa basa eh may nakita akong picture ng taong medyo familiar sakin, kaya ngtanung ako sa kanya, ang sabi nya eh tatanungin daw muna nya yung kaibigan nya.



So kala ko okay na... nang bigla na lang may nagmessage sa tag board ko. Ni hindi ko nga sya kakilala eh (hindi ko nga alam blog nya eh)... kung anu-ano na ang sinabi nya. Syempre nainis ako, binalik ko sa kanya yung message nya at tinanong ko kung akin talaga yung message nya, hahaha... sinagot nya ulit ako ng tanong. Sobrang weirdo tong syke na to =)).

Nabasa din ni Jep ang message nya... syempre nagalit sya, pinagtanggol nya ako kay syke, nauna pa nga sya gumawa ng entry sa blog nya tungkol dito eh. Basahin nyo na lang yung pinost ni Jep

Ngayon si gigi ang humihingi ng sorry sa amin ni jep... hiyang hiya sya ngayon sa ginawa ni syke (na ex na pala nya). Sana lang kung hindi nagpadalos dalos si syke eh hindi na aabot pa sa ganito... kawawa naman si gigi.


click to enlarge (gawa ni jep)

Para sayo naman gigi eh sa una pa lang eh hindi ako galit sayo, natural lang na sumama ang loob ko kay syke dahil sa ginawa nya. Sana lang eh makapagusap na kayo ng maayos at para hindi na maulit sa iba. ;)

Monday, July 31, 2006

Dalaga na din sya?

Tatlo kaming magkakapatid, puro kami babae (tres marias nga tawag sa amin eh). Medyo malalayo ang age gap namin. Ako ang panganay at 5years ang tanda ko sa pangalawa, yung pangalawa naman eh 10years ang tanda sa bunso. (kung bakit malalayo ang age namin, eh sa kadahilanang seaman ang papa namin :D).

Paano nga ba malalaman kung dalaga na ang isang babae?... diba kapag nagkaroon na sya ng monthly period?

Nagkaroon ako ng buwanang dalaw noong ako ay nasa grade6 (12 years old ako noon), yung sumunod naman sa akin eh nagkaroon noong grade5 sya (11 years old sya noon), ngayon naman yung bunso namin eh meron na din sya, grade4 lang sya ngayon (9 years old pa lang sya at sa october pa sya mag te ten years old).


yan ang bunso namin kasama si mama:D


Malaking bulas ang bunso namin, sa age nya ngayon na 9 years old eh 5'2" na ang height nya. Halos lahat ng mga kalaro nya eh naiwan na nya sa paglaki, lagi din syang nasa likod sa pila sa school dahil nga matangkad sya at sa class picture naman eh lagi syang nasa gitna. Madalas nga syang pagkamalang 12years old na eh :D.


yung naka white eh yung pangalawa at yung naka orange eh yung bunso :D


Ngayong "meron" na sya. Parang hindi pa rin namin masabing dalaga na nga din sya kase parang masyado pa syang bata, baby pa nga sya eh. Mahilig pa din sya maglaro... kahit matangkad sya eh hindi mo iisiping dalaga na nga sya dahil sobrang bata pa nya kumilos. Siguro onti onti eh hindi na lang namin mamalayan na dalaga na nga ang bunso namin. Pwede ko pa rin kaya syang utusan kapag naisip nyang dalaga na sya? =)

Nga pala isa sa kinakatakot namin eh baka biglang huminto ang pagtangkad nya, sana wag naman... kase gusto namin eh maging mas matangkad pa sya sakin (5'8" ang height ko :D). kaya kahit ayaw nyang uminon ng gatas sa gabi eh pinipilit na namin sya ... para lang hindi tumigil ang pagtaas nya. hahaha

hay! bilis ng panahon noh? :)

Wednesday, July 26, 2006

Text message!

Habang nagbabasa ako ng mga messages sa cellphone ko eh napansin ko tong message na to...


"Anung mas mahirap? Pag-aralang mahalin ang taong nagmamahal sa iyo? O piliting mahalin ka ng taong mahal mo?... mahirap pareho, diba? Paano kung... Kung kelan mahal mo na yung taong nagmamahal sa iyo eh mahal ka na din nung taong mahal mo?".

Parang ang hirap kung mapupunta ka sa ganyang sitwasyon, kase kahit anu piliin mo eh may masasaktan ka :(.

Sunday, July 23, 2006

She's back with pasalubong!

Dapat nung Friday pa ang uwi ni mama, kaya lang eh sumabay na sya sa tita nya pabalik ng Manila. Kaya ngayon lang sya nakauwi.

5:40pm kahapon umalis ang bus na sinakyan nila. Before 3am kanina nung nagpasundo si mama sa Cubao galing Bicol :D. sinundo namin sya ng pinsan ko at kasama si jowey. Masarap na sana magdrive ng madaling araw eh kase walang traffic, kaya lang sobrang lakas ng ulan kanina at halos wala na akong makita sa daan, kaya sobrang bagal ng takbo namin kanina. Dahil nga sa walang traffic eh mabilis lang ang byahe (mahirap lang kase maulan) namin pati pauwi, mga 4am lang nandito na kami sa bahay. Pagkauwi namin eh binababa lang namin yung mga dala ni mama at natulog na kami :D.


Syempre kaninang pagkagising namin eh inusisa na agad namin ang mga dala dala nyang pasalubong :D. Pinicturan ko nga para makita nyo eh... (natatawa nga pinsan ko habang kinukunan ko ng picture eh :D).



"big langka" galing yan sa puno ng tito ko :D



"latik" suman with sweet sauce:D



malagkit na bigas - masarap para sa champorado at arozcaldo :D



avocadoes



pomelo



"panlegaspi at toasted yema" mga favorite kong tinapay sa Bicol :D



home made pili candy --- tnx tita belen :)



pili candies na galing palengke, pampasalubong. Para sa amin kc ung home made eh :D


Hahaha... Kaya nagpasundo si mama eh dahil ang bigat ng mga dala nya.

O db? The Best talaga si mama :)

Eto pa po! :D

eto pa po iba... lalong nakakatawa =))
In a Past Life...

You Were: An Evil Fortune Teller.

Where You Lived: Romania.

How You Died: Typhoid fever.

=))





You Are 0% Normal



Are you from outer space? Because you're hardly human.

Where people go right, you go left.

And you have little in common with anyone...

Except other freaks of natures :-)




You Are 32% Abnormal

You are at low risk for being a psychopath. It is unlikely that you have no soul.

You are at medium risk for having a borderline personality. It is somewhat likely that you are a chaotic mess.

You are at low risk for having a narcissistic personality. It is unlikely that you are in love with your own reflection.

You are at high risk for having a social phobia. It is very likely that you feel most comfortable in your mom's basement.

You are at low risk for obsessive compulsive disorder. It is unlikely that you are addicted to hand sanitizer.

Saturday, July 22, 2006

Nagtry lang po ako :D

Hello. wala lang po ako magawa kaya nag try ako mag blogthings, hehehe :D
Eto po yung results. :) Nakakatuwa lang.



Your Birth Month is May

Unique and creative, you seek your own path in life.
You love change and are able to adapt to any situation.

Your soul reflects: Sweetness, joy, and a complete life.

Your gemstone: Emerald

Your flower: Lily of the Valley

Your colors: Yellow, red, and green



Your Birthdate: May 20

You are a virtual roller coaster of emotions, and most people enjoy the ride.
Your mood tends to set the tone of the room, and when you're happy, this is a good thing.
When you get in a dark mood, watch out - it's very hard to get you out of it.
It's sometimes hard for you to cheer up, and your gloom can be contagious.

Your strength: Your warm heart

Your weakness: Trouble controlling your emotions

Your power color: Black

Your power symbol: Musical note

Your power month: February


Thursday, July 20, 2006

The Best Mama!

Umuwi na nang probinsya (Bicol) ang lolo't lola ko nung Tuesday (July 18), hinatid ko sila sa terminal ng bus sa Cubao. Sumabay na din si mama ko paguwi ng probinsya kase aayusin nya ang birth certificate nya doon, hindi pa kase sya naka register sa NSO eh.

Bale kaming tatlo lang na magkakapatid ang naiwan dito sa bahay kasama ang pinsan naming isa. Dahil ako ang pinakamatanda dito eh ako ang parang substitute kay mama :D.

Dahil ako ang sub at dito lang sa pc sa bahay ang trabaho ko eh ako ang gumagawa ng mga gawain ni mama. Kailangan 5:00am eh gising na ako kase magluluto pa ako ng almusal ni diane (sumunod sakin, 3rd year college), mag aayos pa ako ng baon ni jowey (bunso namin), ipagiinit ko din ng tubig na pampaligo si jowey (malamig kase sa umaga at wala kaming heater :D). Buti na lang at hindi na kailangan paliguan pa si bunso, mag-isa na lang sya naliligo at nabibihis ng uniform nya. Aayusan ko na lang sya ng buhok pagkatapos. Kapag nakabihis na si jowey eh ihahatid ko naman sya sa school. Si Diane naman at ang pinsan ko pang isa eh namamasahe na lang kase mas maaga ang time nila. Pagkahatid ko eh deretso agad ako sa bahay para naman linisin ang lahat ng naiwan nilang kalat. Maghugas ng mga pinggan na ginamit, magwalis walis ng buong bahay at mag ayos ng kamang hinigaan ni jowey. Tsaka pa lang ako haharap sa computer para gawin ang dapat kong gawin.

Kapag dumating na ang 10:30am eh tigil ulit ako sa pc kase magluluto na ako ng tanghalian namin ni jowey (12:15 kase uwian nya eh). Pagkaluto eh kakain at maghuhugas na ulit ng pinggan. tapos tatanungin kung may assignment si kulet at kung meron eh gagawa kami kung wala naman eh pinapatulog ko sya. Tapos balik ulit ako pc.

Dumadating yung pinsan ko kapag hapon kaya sya na ang nagluluto ng hapunan namin, sya na din ang nagaayos sa gabi, nagliligpit, naghuhugas, etc... basta sa umaga ako.

Bukas Friday na at last day ng pasok ni jowey para sa week na to at sa gabi eh nandito na si mama (Yehey!). Sigurado may dala syang pasalubong! At matatapos na din ang pagiging substitute mama ko :D. (Miss ka na namin at lalo na si jowey :D)

Ilang araw ko palang ginawa yung gawain ni mama, hindi pa nga lahat kase simple pa lang yung mga ginawa ko. Mahirap pala yung araw araw na routine ni mama. Nakakapagod pala ang papel ng mga nanay. Naging madali ang buhay naming tatlo dahil kay mama. Halos hindi nga ako marunong sa gawaing bahay eh, puro prito nga lang ang alam kong luto eh :D. Paano kaya kung wala kaming mama na kagaya nya? Siguro hindi masaya buhay namin. Swerte kami kay mama kase para na namin syang kaibigan, pati mga kaibigan namin eh kaibigan din nya. Buti na lang sya ang mama namin.


mama & jowey pacute!



diane, jowey & mama



me & mama


Gusto ko lang i-share tong kwento ko sa inyo para malaman nyo na ang mama namin ay The Best. sana wag syang magbago hanggang sa magkaapo na sya. Sana kapag nagkapamilya ako eh mapaglingkuran ko rin sila ng tama (hindi man katulad kay mama eh yung paraan na magiging mabuti tao ang mga anak ko).

THANK YOU MAMA! I Love You.

Love: The Rollercoaster Ride

Love is no walk in the park—it’s hard work, plain and simple. It’s unpredictable. One moment, you’re in tears, and the next, you’re laughing...