Sunday, July 23, 2006

She's back with pasalubong!

Dapat nung Friday pa ang uwi ni mama, kaya lang eh sumabay na sya sa tita nya pabalik ng Manila. Kaya ngayon lang sya nakauwi.

5:40pm kahapon umalis ang bus na sinakyan nila. Before 3am kanina nung nagpasundo si mama sa Cubao galing Bicol :D. sinundo namin sya ng pinsan ko at kasama si jowey. Masarap na sana magdrive ng madaling araw eh kase walang traffic, kaya lang sobrang lakas ng ulan kanina at halos wala na akong makita sa daan, kaya sobrang bagal ng takbo namin kanina. Dahil nga sa walang traffic eh mabilis lang ang byahe (mahirap lang kase maulan) namin pati pauwi, mga 4am lang nandito na kami sa bahay. Pagkauwi namin eh binababa lang namin yung mga dala ni mama at natulog na kami :D.


Syempre kaninang pagkagising namin eh inusisa na agad namin ang mga dala dala nyang pasalubong :D. Pinicturan ko nga para makita nyo eh... (natatawa nga pinsan ko habang kinukunan ko ng picture eh :D).



"big langka" galing yan sa puno ng tito ko :D



"latik" suman with sweet sauce:D



malagkit na bigas - masarap para sa champorado at arozcaldo :D



avocadoes



pomelo



"panlegaspi at toasted yema" mga favorite kong tinapay sa Bicol :D



home made pili candy --- tnx tita belen :)



pili candies na galing palengke, pampasalubong. Para sa amin kc ung home made eh :D


Hahaha... Kaya nagpasundo si mama eh dahil ang bigat ng mga dala nya.

O db? The Best talaga si mama :)

9 comments:

  1. Nakakamiss ang pagkaing pinoy, naglaway ako sa suman with latik. Pag blogger talaga eh no, laging piktyuran sa nangyayari sa paligid.

    Eh di pahinga na beauty mo nyan at andyan na si mama.

    ReplyDelete
  2. penge pa pasalubong.. bahu ng langka!

    ReplyDelete
  3. hello mami ann! ... mas maganda kase kapag may pictures kase kahit papaano eh nakikita ng mga nagbabasa yung mga sinasabi mo :D, mas nakakarelate sila :D.

    nandito na nga ulit si mama kaya back to normal na ulit lahat, hindi ko na kailangan bumangon ng 5:30am :D. tapos na pagiging substitute mama ko =)).

    jepoy ... kaw na nga lang binigyan ng pasalubong eh nagreklamo ka pa! hehehe, sa totoo lang ayoko din ng amoy ng langka :D :P.

    ReplyDelete
  4. aba kelan mo pa ako tinawag na jepoy? hmp!

    ReplyDelete
  5. hai jepski... tampururot ka naman... :D. love you :*

    ReplyDelete
  6. hahahaha... ubos na din pili namin eh... sarap kase eh. cge magpapabili ulit ako kapag may uuwi sa Bicol :D.

    Baka kapag uwi nila lola ko, magpabili ako :D

    ReplyDelete
  7. gusto ko owl... kawawa naman yung mga owl sa mayon.. :~(

    ReplyDelete
  8. pssst lalaine tnx sa link up dko namalayan nilink up mo pla ako..

    anyways sarap nyan pili, suman with latik, langka...yum yum yum..gusto ko rin ng pili tart...hehe


    anyhoo, link up rin kita..

    ReplyDelete

Hormones change are not fun

I’m at that stage in life where my hormones have decided to go through major changes. I often feel weak, and it seems like I'm always ge...