Thursday, September 21, 2006

Hay buhay!

Sa wakas... nakapag blog din ako uli. medyo busy busyhan ako nito mga nakaraang araw. Dami ginagawa... dami din nangyari. Yung iba nga nakalimutan ko na eh, hehe.

Nga pala, bago ko pa makalimutan eh magpapasalamat na ako sa mga taong palagi pa rin pumapasayal sa aking munting tahanan. Wala man kayong naabutan na tao eh patuloy pa din kayo sa pagdaan. Maraming maraming salamat po. Hindi ko na kayo iisa isahin kase alam nyo na kung sinu sino kayo :D.

Share ko lang sa inyo na yung tito ko, finally eh nagpakasal na sa partner nya nung Monday (12 years na sila magkasama at dalawa na anak nila). Kung iisipin nga namin eh sa dami ng pinagdaanan nilang pagsubok at problema sa relasyon nila eh parang wala nang kasalan na magaganap eh, pero natuloy pa din ang kasalan. Isa na din sa reason nila sa pagpapakasal eh yung mga bata. Ang bata kase ang pinakakawawa kung sakali eh. At least ngayon masasabi na nilang legitimate na yung mga bata. Sana tumagal pa pagsasama nila.. at sana mas maging matibay pa.

Teka... bakit nga ba ako nag blog ngayon? ay para pala maglabas ng sama ng loob. Kanino masama ang loob ko? Sa mama ko at sa iba pang kamag anak ko. Kwento ko sa inyo. Next week kase eh pupunta kami ni Jep (Boyfriend ko, morethan 3 years na kami) sa BOHOL para mamasyal, 3 days kami doon. nakabile kase kami ng ticket sa Cebu Pacific na promo eh (Php10.00 lang ang ticket plus taxes). Kanina nagusap kami ni mama, eto usapan namin:

mama : kelan ba kayo pupuntang Bohol?

ako : next week na.

mama : sinu kasama nyo?

ako : yung pinsan ni jep, sila kuya ___ at yung GF nya.

mama : kayo lang?

ako : oo, bakit?

mama : sasabihin ko muna sa papa mo. kapag tumawag sasabihin ko

ako : eh di sabihin mo, tagal na ako nagpaalam sa inyo eh, march pa lang nagsabi na ako. Bakit hindi mo ba nababanggit kay papa?

mama : hindi ko pa nababanggit. paalam ka muna sa kanya kapag tumawag (yung tono na parang ayaw na ako papuntahin sa Bohol).

ako : sige mamaya kapag tumawag bigay mo sa akin, kakausapin ko. wala naman masama sa pagpunta ko sa Bohol eh, Kung si D! nga pinapayagan nyo pumunta sa probinsya eh.

mama : bakit sinu ba kasama nun? kaw sinu kasama mo?

ako : mga classmates nya kasama nya... ako si jep.... anu naman pinagkaiba nun?

mama : ewan ko sayo

ako : hirap kase sa inyo masama iniisip nyo eh, kung gagawa ako ng kalokohan eh di sana dati pa... malamang may apo na kayo. (sabay alis ko sa tabi nya pumuntang kwarto).

Patuloy pa din sa pagsasalita si mama sa labas habang kausap ang pinsan ko, natural lang daw na magalala sya kase magulang sya. OO magulang sya... pero hindi sya mag aalala kung buo ang tiwala nya sakin! sa edad kong ito (24 pa lang ako ha), siguro naman alam ko na ang tama at ang mali. sa kapatid ko na pangalawa eh buong buo ang tiwala nya... pinapayagan nyang pumunta ng mga probinsya, tapos payag din syang makitulog yun sa iba... paano ba sya nakasiguro na walang kasamang lalake yun? (hindi sa sinisiraan ko kapatid ko, pero diba kapag sinabing kaibigan eh hindi mo alam kung puro babae yun?). Nakakasama kase ng loob eh, hindi porket alam nilang boyfriend ang kasama ko eh iba na agad ang naiisip nila. Kung talagang may tiwala sya eh hindi na sya kailangan pang magduda. Kung kilala nya talaga ako eh, alam nya dapat na may respeto ako sa kanila at hindi ko hahayaan na masira ang tiwala nila at ang buhay ko!

Sana lang maisip nila yun. :(

Ang hirap kase magrason sa kanila eh, sasabihin nila natuto na akong mangatwiran. Hay Buhay! Hirap talaga magpalaki ng matatanda! :(

6 comments:

  1. eaasy ka lang. concern lang yun. di nya matanggap na grown-up ka na. siguro baby pa rin tingin nya sayo.

    ReplyDelete
  2. been on that situation before. bottom line is, di ako nagsisi sa pagsuway kasi may na-iprove naman ako sa sarili ko at sa kanila. nagsisi lang ako sa part na bakit ako nainlab dun sa mokong na yun(ex)...hahaha

    tama si tintin, mahirap sa ilang magulang tanggapin na grown-up na ang mga anak nila.

    ReplyDelete
  3. @tin-tin, nandun na ko sa concern, pero feeling ko kase wala sila tiwala sakin eh.

    hahaha... tanda ko namang baby :D.

    @sarubesan, kelan kaya nila matatanggap? hehe... mahirap lang magpalaki ng magulang :D.

    ReplyDelete
  4. honga... baka ano gawin mo sakin... aiiieeeee!!

    ReplyDelete
  5. lalaine, dko alam kung kelan. siguro ang tamang panahon ay ngayon...yes, ngayon! hehehe

    uy jep! ako nalang magpo proxy sayo..bili kami ni lalaine ng tarsier..stuffed toy nga lang! hehehe

    ReplyDelete
  6. @jepoy, hahahaha.... anu naman pwede kong gawin sau??? =)

    @sarubesan, baka matanggap nila ng matanda na ako kapag nagka anak na ako. hehehe

    Pwede ding ikaw na lang din palit kay jep, hehe... baka wala pang masabi mga tao dito sa amin :D. ;)

    ReplyDelete

Happy New Year! 🎉 Cheers to 2025!

Wishing you all the best in the year ahead. Things are a bit hectic on my end right now, but I’ll be back soon with more updates. Stay tuned...