Bale kaming tatlo lang na magkakapatid ang naiwan dito sa bahay kasama ang pinsan naming isa. Dahil ako ang pinakamatanda dito eh ako ang parang substitute kay mama :D.
Dahil ako ang sub at dito lang sa pc sa bahay ang trabaho ko eh ako ang gumagawa ng mga gawain ni mama. Kailangan 5:00am eh gising na ako kase magluluto pa ako ng almusal ni diane (sumunod sakin, 3rd year college), mag aayos pa ako ng baon ni jowey (bunso namin), ipagiinit ko din ng tubig na pampaligo si jowey (malamig kase sa umaga at wala kaming heater :D). Buti na lang at hindi na kailangan paliguan pa si bunso, mag-isa na lang sya naliligo at nabibihis ng uniform nya. Aayusan ko na lang sya ng buhok pagkatapos. Kapag nakabihis na si jowey eh ihahatid ko naman sya sa school. Si Diane naman at ang pinsan ko pang isa eh namamasahe na lang kase mas maaga ang time nila. Pagkahatid ko eh deretso agad ako sa bahay para naman linisin ang lahat ng naiwan nilang kalat. Maghugas ng mga pinggan na ginamit, magwalis walis ng buong bahay at mag ayos ng kamang hinigaan ni jowey. Tsaka pa lang ako haharap sa computer para gawin ang dapat kong gawin.
Kapag dumating na ang 10:30am eh tigil ulit ako sa pc kase magluluto na ako ng tanghalian namin ni jowey (12:15 kase uwian nya eh). Pagkaluto eh kakain at maghuhugas na ulit ng pinggan. tapos tatanungin kung may assignment si kulet at kung meron eh gagawa kami kung wala naman eh pinapatulog ko sya. Tapos balik ulit ako pc.
Dumadating yung pinsan ko kapag hapon kaya sya na ang nagluluto ng hapunan namin, sya na din ang nagaayos sa gabi, nagliligpit, naghuhugas, etc... basta sa umaga ako.
Bukas Friday na at last day ng pasok ni jowey para sa week na to at sa gabi eh nandito na si mama (Yehey!). Sigurado may dala syang pasalubong! At matatapos na din ang pagiging substitute mama ko :D. (Miss ka na namin at lalo na si jowey :D)
Ilang araw ko palang ginawa yung gawain ni mama, hindi pa nga lahat kase simple pa lang yung mga ginawa ko. Mahirap pala yung araw araw na routine ni mama. Nakakapagod pala ang papel ng mga nanay. Naging madali ang buhay naming tatlo dahil kay mama. Halos hindi nga ako marunong sa gawaing bahay eh, puro prito nga lang ang alam kong luto eh :D. Paano kaya kung wala kaming mama na kagaya nya? Siguro hindi masaya buhay namin. Swerte kami kay mama kase para na namin syang kaibigan, pati mga kaibigan namin eh kaibigan din nya. Buti na lang sya ang mama namin.
Gusto ko lang i-share tong kwento ko sa inyo para malaman nyo na ang mama namin ay The Best. sana wag syang magbago hanggang sa magkaapo na sya. Sana kapag nagkapamilya ako eh mapaglingkuran ko rin sila ng tama (hindi man katulad kay mama eh yung paraan na magiging mabuti tao ang mga anak ko).
THANK YOU MAMA! I Love You.
Mahirap talaga kasi di ka naman sanay..pero sa mga nanay na tulad namin, masaya ma kami na pagsilbihan kayo..naks!
ReplyDeleteGanyan talaga love ng mga nanay unconditional.
Ask ko lang, asan si papa mo?
hindi ko pala nabanggit kung nasaan papa ko, hehehe.
ReplyDeleteseaman po sya, nasa abroad sya ngaun pero malapit na din bumaba :D.
mabait din si papa ko, kahit na hindi namin sya kasama lagi eh hindi nya kami pinababayaan. tsaka kahit malayo sya eh lagi pa din sya tumatawag sa amin para mangamusta. :)
malapit na din ang 25th anniversary nila. (sana kapag nagasawa ako eh umabot din ako sa ganun :D).
Kaya pala wala sa kwento si Papa eh seaman. Buti naiintindihan nyo na kaya sya nasa malayo eh para rin sa inyo di ba?
ReplyDeleteHai mami ann. naiintindihan naman naming magkakapatid yung work ni papa eh. para sa amin naman lahat ng pinaghihirapan nila eh :D. tsaka kc 2years old pa lang ako eh nagbabarko na talaga sya, kaya sanay na kami sa work ni papa. :D
ReplyDelete