Monday, July 31, 2006

Dalaga na din sya?

Tatlo kaming magkakapatid, puro kami babae (tres marias nga tawag sa amin eh). Medyo malalayo ang age gap namin. Ako ang panganay at 5years ang tanda ko sa pangalawa, yung pangalawa naman eh 10years ang tanda sa bunso. (kung bakit malalayo ang age namin, eh sa kadahilanang seaman ang papa namin :D).

Paano nga ba malalaman kung dalaga na ang isang babae?... diba kapag nagkaroon na sya ng monthly period?

Nagkaroon ako ng buwanang dalaw noong ako ay nasa grade6 (12 years old ako noon), yung sumunod naman sa akin eh nagkaroon noong grade5 sya (11 years old sya noon), ngayon naman yung bunso namin eh meron na din sya, grade4 lang sya ngayon (9 years old pa lang sya at sa october pa sya mag te ten years old).


yan ang bunso namin kasama si mama:D


Malaking bulas ang bunso namin, sa age nya ngayon na 9 years old eh 5'2" na ang height nya. Halos lahat ng mga kalaro nya eh naiwan na nya sa paglaki, lagi din syang nasa likod sa pila sa school dahil nga matangkad sya at sa class picture naman eh lagi syang nasa gitna. Madalas nga syang pagkamalang 12years old na eh :D.


yung naka white eh yung pangalawa at yung naka orange eh yung bunso :D


Ngayong "meron" na sya. Parang hindi pa rin namin masabing dalaga na nga din sya kase parang masyado pa syang bata, baby pa nga sya eh. Mahilig pa din sya maglaro... kahit matangkad sya eh hindi mo iisiping dalaga na nga sya dahil sobrang bata pa nya kumilos. Siguro onti onti eh hindi na lang namin mamalayan na dalaga na nga ang bunso namin. Pwede ko pa rin kaya syang utusan kapag naisip nyang dalaga na sya? =)

Nga pala isa sa kinakatakot namin eh baka biglang huminto ang pagtangkad nya, sana wag naman... kase gusto namin eh maging mas matangkad pa sya sakin (5'8" ang height ko :D). kaya kahit ayaw nyang uminon ng gatas sa gabi eh pinipilit na namin sya ... para lang hindi tumigil ang pagtaas nya. hahaha

hay! bilis ng panahon noh? :)

9 comments:

  1. ang bilis noh? at kahit na malaki na sya, hindi mo iisipin na dalaga na sya. khet kami.. ganyan din sa bunso namin. 10 years younger kse sya sa akin. 7 years naman sa bago sa kanya. pero ngayon, parang baby pa rin ang tingin namin. hehe ;p

    ReplyDelete
  2. Nakasanayan na lang natin siguro na sabihin na kapag dinatnan ang isang babae ay dalaga na sya. Para sa akin nasa maturity ng isang babae yun kung pwede na syang tawaging dalaga. May pinsan ako na dinatnan at the age of 19. Maaga ngang dinatnan ang kapatid mo, usually kasi at the age of 12 pa yan.

    Ang tangkad mo pala, 5'8..bonsai pala ako syo..hehehe..5'2 lang ako eh. Lagi mo na lang ireremind sis mo kung ano yung mga pwedeng mangyari kapag ang babae ay meron na para na rin makapag-ingat sya.

    ReplyDelete
  3. @tin-tin, siguro nga hanggang tuluyang magdalaga ang bunso namin eh mananatili pa din syang baby namin ;).

    @rho-anne, sa ngayon baby pa sya masyado kumilos... dahan dahan siguro magbabago na nga din ang emotions nya, magiging mature na din sya. :)

    @mami ann, siguro kaya din sinasabing dalaga na ang isang babaeng nagkaroon na eh dahil doon pa lang sila nag uumpisa maging conscious sa paligid, hindi na puro laro ang nasa isip ;).

    opo matangkad ako kase nasa lahi namin eh. si papa 6' flat, si mama 5'6", yung pangalawa eh 5'4" at yung bunso na 9years old pa lang eh 5'2" na =). may lahi ata kaming kapre eh :D. hahaha

    ReplyDelete
  4. wow.. 9 yrs old pa lang kapatid mo nagkaroon na? ambilis nga.. at feeling ko, matatangkaran ka na nya! hehehe..

    ung kapatid ko rin, 12 yrs old na sya.. last month lang sya nagkaroon.. syempre, todo suporta ako sa knya.. :) kakaaliw lang kasi naging mas close kami ngyon since sa akin talaga sya nagtatanong ng mga bagay-bagay..

    naku, di mo namamalayan, maiinlab na sya!!! tama si rho, just always be there for her.. ^_^

    ReplyDelete
  5. kasing height ko lang youngest sis mo... so sad.. ahuhuhuhu..

    ReplyDelete
  6. hindi ko nga din alam kung kelan ako naging dalaga he he

    ReplyDelete
  7. @karmi, 9 pa nga lang sya eh, ang bata pa nyang nagkaron :). sana nga maging mas matangkad pa sya sa akin.

    Kahit malayo agwat namin eh kahit papaano eh mas magkasundo naman kami :).

    @vemsam, matatangkad kase lahi namin eh :)

    @jairam, ako din nung nagkaron ako eh hindi ko agad na feel na dalaga na ako.. kase mahilig pa din ako maglaro noon eh :D.

    ReplyDelete
  8. > wow....lupit nman....
    kkainggit tlga ang mttangkad....

    > bgyan nio nman poh aq ng tips pra 2mangkad dn aq!!!!

    ReplyDelete
  9. hindi man ako pina nganak na matangkad..


    my mga taong handang mag mahal..


    kase sa sobrang cute ko..


    well naka dipende aman sa isang babae kung


    gusto nilang maagang mag matured...


    pwedinu parin naman siyang utusan kahit


    dalaga na siya... its up to her kasi the youngest


    sister will obey her or his oldest sublings

    ReplyDelete

Happy New Year! 🎉 Cheers to 2025!

Wishing you all the best in the year ahead. Things are a bit hectic on my end right now, but I’ll be back soon with more updates. Stay tuned...