Saturday, August 19, 2006

Baby Milk for Adult =)


One Year onward naman eh! hahahaha


Kaninang tanghalian (11:30am) eh nagpaplano na sila mama at yung bunso namin na pupunta sila ng SM, wala lang magpapalamig lang sana =). Kaya lang kaninang mga 1:30, habang naliligo si bunso eh sumakit ulo ni mama, kaya hindi na sila natuloy pang umalis.

Dahil sa naubusan si mama ng gamot nya para sa migraine eh nagpabili na lang sya sa aming magkapatid sa labasan (malayo kase botika sa amin eh). Nagpabili na din sya ng tinapay na pang meryenda at gatas.


Yung gatas eh panlagay namin yun sa kape, mas nasasarapan kase kami kaysa sa cream eh (CoffeeMate).

Eh di umalis na kami magkapatid, dala namin yung kotse namin. Sa may botika eh walang parking kaya iniwan ko yung kotse sa malapit sa botika, yun nga lang tatawid na lang ako. tumawid na ako at bumili ng gamot. Sa tabi ng botika eh may mini grocery, pumasok na din ako at bumili ng tinapay at gatas. nagmamadali ako kase iniwan ko yung kapatid ko sa parking eh. tapos pagkabili ko eh umuwi na kami.

Pag kauwi namin eh, pinainom ko na agad si mama ng gamot nya, tapos nagmeryenda na kami ng tinapay... syempre masarap ang may kape, kaya nagtimpla ako, sinamahan ko na din ng gatas na binili ko... sabi ko parang iba lasa... pero sige tuloy lang sa pag inom, naubos ko na. Sarap naman eh =)

Ngayong gabi naman eh nagtimpla si mama ng gatas (walang kape), hahaha nagtaka din sya kung bakit iba ang lasa, tinignan nya yung box ng gatas, hahaha pang bata pala. pang isang taon yung gatas. hahaha, sumakit tyan ko sa kakatawa. sabi tuloy ni mama, ubusin ko daw lahat yung gatas dahil hindi na pwede ipapalit yun eh, hehe. Hindi naman kaya masira tyan ko sa gatas ng bata? (kung sa bagay, baby nga kaya nila eh =)).







Hanggang ngayon na pinopost ko to eh tumatawa pa din ako mag isa, para na nga akong baliw eh, hehe. Yun lang po, share ko lang yung experience ko ngayon, hahaha.

14 comments:

  1. Okay lang gamitin yan kasi kami dati pag nauubusan ng creamer sa kape yan din ginagamit ..hehehe.. Wag lang sasanayin kasi mas nakakataba yan, kumpleto yan sa lahat ng bitamina.

    ReplyDelete
  2. oi kami dati, bear brand ang gatas!! :) hehehe.. kakatuwa naman yan..

    oo nga, di naman pansin na pambata ang gatas.. :) tanggalin nyo na lang sa kahon at ilagay sa isang lalagyan, para di mahalata! :) hehehe..

    ReplyDelete
  3. @mami ann, masarap naman kahit papaano yung babymilk, pero mas masarap sana kung hindi baby milk, hehehe.

    bawal pala dito samin yung baby milk kase mas tataba kami lalo, hehehe


    @KD, opo hindi ko nga po napansin eh... kaya nga nainom ko pa eh, hehehe.. hilig ko kase magmadali eh :D.

    ReplyDelete
  4. @karmi, haha.. pareho pala tayo ng gatas eh, masarap naman bear brand diba? haha.

    ganun na nga ginawa ko, nilagay ko sa isang lalagyan para makabiktima naman ako ng iba at para may tumulong sakin sa pag ubos. hahaha ;)

    @mish, nakakatawa nga talaga, kaya sa susunod eh titignan ko nang mabuti ang box, hehehe...

    nagyon tuloy problema ko pa kung paano mauubos yun, hehe

    ReplyDelete
  5. laking "bear brand" ako, pramis! pero dko alam kung bat bansot kami lahat..hehehe

    ReplyDelete
  6. mahilig naman ako magpapak ng gatas, minsan may kasamang Ovaltine o Milo, at kaunting asukal. :D

    ReplyDelete
  7. okay lang yan. healthy yun kse pang-baby. tsaka tama ka. 1+. ako kaya favorite ko cerelac. ehehe ;p

    ReplyDelete
  8. @vemsan, hehe, ganun ba? baka nga nasa lahi lang namin matatangkad. nga pala diba sabi mo kasing taas mo bunso namin, kung ganun eh hindi ka naman bansot. ;)

    @jhay, ako din nagpapapak ng gatas... pero hindi ko pa nasubukan yung may kasamang ovaltine at asukal, hehe.. subukan ko nga minsan :D.

    @tin-tin, korek! 1+, hahaha... hanggang ngayon ba eh kumakain ka ng cerelac? masarap ba? hehe =)

    ReplyDelete
  9. masarap pa rin naman e. aba't para ka na ring nag-advertise. masubukan nga. cool!

    si_paurong,
    http://paurong.blogspot.com

    ReplyDelete
  10. Wow naman alagang alaga si mom nya ha!! swerte naman ng mom mo sayo kasi inaalagaan mo sya!

    Mahilig ka pala sa kape na may gatas parehas tayo pero bakit pang bata na gatas yung binili mo ^_^

    ReplyDelete
  11. @jonell, salamat sa pagdaan sa blog ko... bibisitahin din kita ;).

    hehe try mo masarap naman baby milk eh, hehehe

    @chester, ako kase panganay kaya ganun, hehehe

    oo mahilig nga ako sa kape na may gatas... kaya lang sa kakamadali ko eh babymilk nabili ko, hahaha. ;)

    ReplyDelete
  12. @tin-tin, anu ba lasa? parang yoko tikman eh, hehe... pero sige yaan mo kapag may nakita akong cerelac eh titikim ako ;)... para malaman ko lasa, hehehe

    ReplyDelete
  13. kagigising ko lang po.. :)

    salamat sa pagdalaw ha!!!

    ReplyDelete

Happy New Year! 🎉 Cheers to 2025!

Wishing you all the best in the year ahead. Things are a bit hectic on my end right now, but I’ll be back soon with more updates. Stay tuned...