Friday, August 25, 2006

4 years old na si Ishi , laki na nya!


Ishi kulit


Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag post ha? Wala kaseng pumapasok sa isip kong magandang ipost eh, tsaka wala din kase ako sa mood na gumawa ng entry nitong mga nakaraang araw eh.

Anyway, Kagabi galing ako kila Dailon (college friend ko), birthday nya kase eh (actually ngayon ang birthday nya kaya lang off nya kahapon kaya kahapon siya nagpapunta). May konting handaan sa kanila kaya pinapunta nya ako.. tsaka medyo matagal na din kase kaming hindi nagkikita eh. isa pa para na din makita ko yung inaanak ko (huli kong nakita si Ishi nung binyag nya, haha).

Pagkadating ko dun eh sinalubong agad ako ni Lohn at ni Ishi, syempre si ninang naman eh nag abot naman ng maliit na regalo, tuwang tuwa naman yung bata, hehe. Pagpasok ko sa loob ng bahay eh medyo nanibago ako, medyo naging maluwang yung bahay nila, nagparenovate daw sila. Kinumusta ko na din si Tita, yung mommy ni Dailon.

Sa iba pang bisita ni Lohn eh isa lang ang kakilala ko, hindi ko pa close.. ayoko naman humalo sa iba kase nag iinuman sila, hindi naman ako umiinom eh, at kung sakaling umiinom ako eh hindi din pwede kase magda drive pa ako pauwi eh. Kaya si Tita na lang ang kakwentuhan ko.. at si Ishi na sobrang kulit, hehe... nung una eh pasilip silip lang sakin si Ishi, tapos nung nag umpisang kausapin ako eh hindi na ako nilayuan. Nandyan yung magcolor kami ng books nya, nagsulat din sya ng name nya, pati numbers 1 to 100 eh sinulat na din, haha, hindi na talaga nagpapigil yung bata.. nagdrawing pa nang kung anu anong shape, hehe.


singkit


Tuwang tuwa nga ako kay Ishi eh, kahit na makulit eh nakakaaliw naman. haha, isa pang kinatutuwa ko kay Ishi eh pareho kaming singkit samantalang wala namang singkit sa bahay nila (bagay ko nga daw maging anak eh).

Pagkatapos ng kulitan eh natulog na din ang bata kase may pasok pa kinabukasan eh, kaya kami naman ni Lohn ang nagchikahan, sandali na lang kami nag usap kase kailangan ko na din umuwi eh, late na at wala din akong kasama umuwi.

Happy Birthday sayo Dailon at sa isa pang "dating" friend ko :D.

Nga pala, hanggang ngayon eh hindi pa din ubos ang gatas, hehe... wala na kaseng nagtitimpla eh. ;)

1 comment:

  1. happy birthday sa kanya! nakakabigla ang paglaki ng mga bata noh? :)

    ReplyDelete

Hormones change are not fun

I’m at that stage in life where my hormones have decided to go through major changes. I often feel weak, and it seems like I'm always ge...