Nung Nov. 5 pa nandito si papa sa bahay, hindi lang ako nakakapagblog kase natatamad ako eh =D.
Kami lang ang sumundo sa kanya (mama, ako at yun dalawa ko pang kapatid), hindi na kase kasya mga lola ko sa kotse kaya kahit gusto nila sumundo eh wala na sila sasakyan, hehe.
Eto nga pala pasalubong ni papa sakin, isang 19inch wide screen lcd monitor.. hehe
Si mama binilhan din nya ng bagong cellphone, at yung dalawang kapatid ko naman eh chocolates, hindi ko na kinunan nang pictures kase konti lang dala eh =D.
Matagal na nagbabarko si papa, 2years old pa lang ata ako nung una syang sumakay sa barko. Medyo sanay na kami na hindi namin sya lagi kasama... pero syempre mas masaya kapag nandito na si papa,lalo na kapag mga first week pa lang nya dito kase parang kahit makukulit kami eh hindi pa sya napipikon o naiinis agad... pero kapag nagtagal na eh mabilis na sya mainis, hahaha.
Anu-ano nga ba pinagkaiba kapag nandito si papa at wala? sige subukan ko isa-isahin.
KAPAG NANDITO SI PAPA :
--> Kelangan kapag nagising sya ay gising na din kaming lahat, kahit pa walang pasok o kahit na puyat ka pa. =D
--> Kelangan maglinis ng bahay sa umaga habang sya ay nanunuod lang sa mga naglilinis. =D
--> Kelangan laging may juice sa ref. (samantalang kung kami lang eh si bunsoy lang ang laging nagtitimpla).
--> Kelangan na laging may hotdog sa almusal.
--> Kelangan na ang cornbeef ay laging may kasamang pritong itlog.
--> Kapag may gulay ay kelangan din na may pritong isda.
--> Kelangan lagi syang kasama ni mama kapag namamalengke, kahit pa hindi sya marunong mamalengke... at kapag naman pupunta sya ng office eh kelangan na lagi din kasama si mama.
--> Si papa lang ang nag mi-midnight snack sa amin, minsan kahit late na at walang laman ang ref eh lalabas pa, para lang maghanap ng makakain. =D
Eto pa lang yung mga naiisip ko, kapag may naisip pa ako ay idadagdag ko agad. ;)
Dito na lang muna... saka na uli ako magkukwento tungkol kay papa ;).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Happy New Year! 🎉 Cheers to 2025!
Wishing you all the best in the year ahead. Things are a bit hectic on my end right now, but I’ll be back soon with more updates. Stay tuned...
-
When you're in a new relationship everything feels like heaven. It's all happiness and loved. You feel like there's always a but...
-
Why do I feel like we’re no longer on the same page? Are we slowly drifting away from each other? Do small things always have to spark such ...
-
Mocha : HAPPY HAPPY FOOD DAY MAMI! Yab yu Mami! ***Mami's not feeling well since they arrived home last Sunday night from Bicolandia . ...
hindi ba madaya yun? sa mga kapatid mo chocolates lang? asan chocolates ko?
ReplyDeletetalagang namiss nya mama mo ha
wow LCD monitor! =)
ReplyDelete