Saturday, August 05, 2006

Happy Birthday Tito Ervin :(

Birthday ngayon ni Tito Ervin, 59 years old na sana sya ngayon... kaya lang wala na sya eh, he died last November 2, 2005. Nakakamiss nga sya eh.


yan si Tito Ervin, nakasingit pa yung kapatid ko :D


Si Tito Ervin ay pinsan ni papa ko, sa Amerika sya talaga nakatira, pero nung tumigil na sya sa pagtatrabaho eh naisip nyang bumalik dito sa Pilipinas para mag enjoy. February last year nang umuwi sya ng Pilipinas at sa amin na tumira si Tito... almost 8 months namin sya nakasama.

Matagl na syang may diabetes... hindi nga lang sya masunurin sa doctor kase lahat ng bawal eh yun ang ginagawa nya, ang reason nya kase "dibale na daw kase may gamot naman at kung mamatay daw sya eh sa sarap" :D. kaya lumala ang sakit nya at nagkaroon ng komplikasyon na syang kinamatay nya :(.

Kaya siguro ganun na lang sya kung gumastos... lahat na ata ng pwedeng bilin eh binibili nya kahit na hindi na para sa kanya, mahilig syang magbigay. Masiyahin at palakaibigan si Tito. Siguro nga alam nyang malapit na sya mawala kaya nag enjoy na lang sya. Masasabi ko na sa tinagal nya sa Amerika eh pinili pa rin nyang mamatay dito sa atin :(.


Babai Tito... :(

Hay... nakakamiss talaga si Tito :(

5 comments:

  1. mukhang cool si Tito Ervin ah ;)
    thanks for the link Lalaine, I'll link you up too. Have a great week ahead.

    ReplyDelete
  2. @jairam, cool talaga si Tito Ervin... kahit saan mo sya dalhin eh okay sya at kahit sino ang kasama nya (bata man o matanda) eh nakakasabay pa din sya. Sayang nga eh.. wala na sya :(

    @tin-tin, syempre naman, kahit na 8mos lang kami nagkasama sa bahay eh love ko sya... tito ko yun eh ;)

    @jepoy, kaw nga kumuha ng pic pero camera naman ni tito ervin :)). ;)

    ReplyDelete
  3. @rho, korek ka dyan... araw araw birthday nya kaya lagi na sya masaya ;)

    ReplyDelete

Just like that, 2023 is almost over

How time flies so quick. Just like that we are already at the end of the year. There's so many memories this year have given me. This is...