Friday, October 14, 2005
Quiapo daw....
Yun lang po... babai :P:D
Wednesday, October 12, 2005
Friday, September 16, 2005
Wala lang!!!!!
bow!!!!
:D
Friday, May 13, 2005
Bicol...
punta kami ngayon sa bicol... kasama ko si jepoy, mabubus lang kami ngayon. nauna na sila mama kase dala nila yung kotse namin eh... la lang po... na eexcite na ko... wish ko lang na makakuha pa kami ng aircon n bus sa cubao...
babai,...
Tuesday, May 10, 2005
Grabe init....
la lang magawa... cge babai :D:D:D
Wednesday, May 04, 2005
XBOX kila Jep...
Pagdating namin sa SM eh kumain kami sa KFC, at umorder ng salad... (hahaha... puro gulay un!!!! Pero naubos ko.). Pagkatapos namin kumain eh nag ikot kami ni Jep sa SM kase naghahanap sya ng bala ng XBOX (pirated). Naikot namin yung SM tapos nagpunta pa kami sa Cyberzone para lang mgahanap ng bala... nakakita sya ng Php150.00 pero wala naman dun yung gusto nyang laro (hahahahaha). Sa pag iikot nga namin eh napadpad kami sa Quantum at naglaro kami ng basketball... tapos namin maglaro eh umuwi na kami... nagtaxi kami kase inuwi ni Jep yung Cpu at laptop ni Mary Lou, papa check daw sa kanya yun eh...
Yun lang po.... bow.... Clap... clap... clap... :D:D::D
Tuesday, May 03, 2005
Naghatid lang po....
Bago pa namin ihatid si Tito Ervin eh maaga silang umalis (mama, papa, tito). Si mama at si papa eh papunta sana sa insurance ng hindi inaasahang pagkakabangga nila sa truck... kaya kinailangan namin hiramin yung revo nila Tito Raffy para panghatid namin. Samantalang si Tito Ervin naman eh sinundo pala si Grace at ang alam ko eh ng enroll na sila sa St. Agustine School of Nursing, 2-Yr-Practical Nursing ata course nya.
Naunang umuwi sila Tito Ervin kase mag iimpake pa sya ng mga dadalhin nya.. mga banding 2pm sila dumating... tapos nung mga 4:25pm na eh dumating na si Tatay at dala na yung revo. Nung una eh nagaaya na sya umalis pero sabi ni Tito Ervin eh bumili muna kami ng meryenda... kaya bumili kami ni Tatay sa Jollibee.. pagkakain eh umalis na agad kami at nakipag meet na lang sila mama sa may Kalayaan kase iniwan na nila yung kotse sa may Shell (dun yung office nung may ari ng truck na nakabangga kila mama). Tapos deretso airport na...
Dumating kami ng mga 7:15pm sa airport pero hinintay namin si Tito ng mga hanggang 9pm... (sayang hindi ko na naman napanood ENCANTADIA). Tapos umuwi na kami.
Monday, May 02, 2005
"Dinner Date"
Hello po!!!!
Walang masyadong nangyari nung umaga.... Pero nung gabi eh nag aya sila mama sa SM, kase dun daw kami magdidinner. Wala lang daw... “Dinner date daw ng family namin” sa Pizza Hut kami kumain at syempre nde mawawalan ng pizza sa order namin... Pagkatapos naming mag dinner eh nagpunta kami sa grocery para bumili ng pasalubong para kay Tita Josie (Lily’s Peanut Butter at Dried Mangoes) kase nga uuwi na muna si Tito Ervin bukas sa States... papahinga na daw muna sya dun ng mga ilang araw...
Pagkagaling sa grocery eh umuwi na din kami...
Sunday, May 01, 2005
RATSKY - Morato
Sasama dapat kami nila mama at jowey sa Laguna kila Tita Ludy kahapon kaya lang biglang nagbago plano… Dumating kase si Tito Ervin at kasama si Grace… nag aaya ng gimmick… kasama daw sila Tita Boots at yung 4 na anak nito… kaya kila Tito Ervin na lang kami sumama… hiniram muna naming yung revo nila Tita Norie para magkasya kaming lahat. (Despedida daw yun) dinaanan naming si MaryLou… tapos nakipagkita na lang kami kila Tita Boots sa gateway at pati si Rachel eh dun na lang naming kinita....
Nung una sa Padi’s Point na dapat kami kaya lang ayaw nila kase wala daw live band… kaya napunta kami sa RATSKY – Morato… Php300.00 yung entrance pero consumable na yun.. bale 16 kaming lahat… (mama, papa, diane, jowey, marylou + friend, rachel, tita norie, tita boots + 4kids, grace, tito Ervin at ako)…. Okay naman dun… marami din silang inorder… mga sizzling, pizza, clubhouse, fries… etc…. ako water lang
Tapos nag billiards sila diane sa malapit lang dun tapos kami mga banding 2am eh umuwi na din kami… hinatid lang naming sila Tita Boots sa sakayan sa Edsa…
Mga 4:30am na kami natulog kanina… Yun lang po….
Thursday, April 28, 2005
Kapagod...
Pero bago kami pumuntang Sm eh tinapos na muna namin yung nilalaban ni mama, binanlawan na namin magkapatid (Me & Diane)... tapos tsaka kami pumunta ng SM... ngtricycle at taxi kami papunta dun (Tito Ervin, Ako, Diane, Jowey at Noriel) kase gamit nila mama yung kotse at isa pa coding yun.
Pagdating namin sa SM eh nag ikot ikot lang kami... binili kami ni Tito Ervin ng necklace sa silver works kaya lang after 3weeks pa namin makukuha (personalized kase eh :D)... tapos bumili si Tito Ervin ng kakanin... yun yung kinain naming meryenda... tapos hinitay namin sila mama kase galing silang Makati at sa SM sila nagpark.
Pagdating nila mama eh kumain na ulit kami ng dinner (nagsizzling kaming magkakapatid at si Noriel, si mama goto at sila papa at Tito Ervin eh kanin din na may pansit)... nandoon din sa foodcourt yung mga finalist ng Pinoy Pop Superstar... nanood nga sandali si Noriel at si Jowey eh...
Pagtapos namin magdinner eh ngpunta kami Cyberzone para tumingin ng ipod. kay Jerico pa nga kami nagtanong eh... tapos nagpakuha na din ng pic si papa ko kase gagamitin daw nya bukas... tapos naglakad na kami papunta sa parking... bale 7 kami lahat sa kotse kanina... hehehe :D:D:D Yun lang po...
Hinihintay ko lang Full House :D Cge na muna. :p
Wednesday, April 27, 2005
Can This Be Love :D
After ng picture taking nila (Jep, Kenneth, Andrew at Karlo) eh dumeretso na kami sa SM North, nakipagkita si Andrew sa Mommy nya at kapatid nya... Tapos wala sa plano namin ni Jep pero sumama na rin kami nanood ng "CAN THIS BE LOVE" (Starring Sandara Park & Hero Angeles :D:D:D) .. okay naman yung movie, nakakatawa... Si Kenneth hindi na sumama kase may pupuntahan pa daw sya eh.
Habang nanonood ako eh nagtxt sakin si Deekay na kung pwede daw ako dumaan sa kanya kase may ibibigay daw syang letter (Hmmm... Anu kaya un????) nagtext ako sa kanya kung pwede na lang nya email sakin pero hindi na sya reply eh....
After the movie eh kumain kami sa foodcourt (syempre KFC kami nila Jep pati na din si Karlo. Si Andrew sizzling)... pero bago kami lumabas sa sinehan eh hinintay muna namin i-off yung mga camera, hehehe (kinukunan kase nila yung mga pumapasok at lumalabas sa movie nila Sandara eh... kakahiya kaya yun :D:D:D)
After kumain eh umuwi na kami. Si Andrew eh naiwan na sa SM kase sasabay sya sa mommy at kapatid nya, Si Karlo eh humiwalay na din sa amin at ako naman eh hinatid muna ni Jep bago sya umuwi (sweet noh?! :*)
Tuesday, April 26, 2005
Nagtaka pa sila?!@#!@?
Ang aga aga nakasigaw mga tao d2 s bhay. Mgsesermon cla na kesyo batugan kming mgkapatid, la nman dw pasok. Wala dw clang kunswelo sa amin. Sana lng nkita nila kung panu nila kmi pinalaki para nde cla nghahanap ng wala samin.Mgsipagasawa n dw kmi. Gawin ko kaya ung gus2 nila, nu kaya mangyayari? Ewan ko s knila. Cge babangon n ko.
-xtm message-
Masasaktan ba o masanay na lang???
"Gago ka!"... isa s mga salitang nrinig ko s taong nde ko inexpect n mgssbi skin. Kung sbagay eh marami rami n dn akng nrinig n msasakit n salita s kanya eh. Ganun talag sya kpag msama loob, wala nang pinipili.Aminado akng mahina ako at laging nakadepende s knya. Cguro nga nsanay ako. Alam kng gus2 lng nyang magng matatag ako. Pero sana lng dn eh maintindihan nya n nde nya makikita ung gus2 nyan mkita skin dahil nde ako ganun.Un lng. G'morning!
-xtm message-
Monday, April 25, 2005
ANG INIT!!!
Yung pinsan ko palang manganganak nung isang gabi eh nanganak na... lalake daw anak nya, pero hindi pa namin nadadalaw... hehehe... 20 pa lang sya pero may baby na sya (Hhhaaayyyy!!!)
Kahapon nga pala eh nainis ako kay toto... lokohin ba naman ako... Hmp!!! hindi na talaga sya makakaulit sa akin.. Un lang po...
Sarap kumain ng halo halo...
Sunday, April 24, 2005
Lalabas na daw
Elo po. Nkahiga n ko ngaun pero bago ako mahiga eh ng shutdown muna ako ng pc... Tpos ngbrush ako at nang biglang my kumatok s pinto nmin. Pinsan pala nmin, sya pala ung 2mtawag kaya napupu2l connction ko. Hinge sya 2long ky mama kc manganganak n dw kapatid nya(c normie) at kung pwdeng pasama dw s hspital. Un umalis n c mama at cnamahan n cla s hspital. Umalis c mama ng walang ksama. Ayaw n nya mgpasama eh. Un lng pahabol lng s blog bgo mgslip. G'nite.
Saturday, April 23, 2005
May post ako :D :D
Maghapon na naman akong nsa labas kanina... umalis kami ng bahay kaninang pagkakain ng lunch (mga 11:30 un). Una namin pinuntahan eh yung condo ni Tito Ervin sa Pasig... ganda ng swimming pool doon, sarap mag swimming... pero yung mismong unit ni Tito Ervin eh hindi pa gawa :D , tapos pinuntahan namin si Nanay Pat sa Capitol Medical Center (past 3:00 na ata nung dumating kami don) ... (hehehe, sa PANAY po yun >:) ... la lang), kala namin macoconfine na si Nanay doon dahil nahihilo daw sya at masakit ulo, sabi daw sa kanya ng doctor na may parang dumikit na ugat sa buto nya sa may ulo kaya daw sumasakit.... inobserbahan muna sya doon (nandun na sila ni Tatay ng mga 9am) kung admit sya o uuwi na. Nung mga bandang 4pm eh nagpa injection na si Nanay ng pain killer kase hindi na daw nya matiis yung sakit... tapos inobserbahan ulit sya ng ilang mins kung anu na magiging pakiramdam ni Nanay, naging okay na pakiramdam ni Nanay kaya pinayagan na sya umuwi ng doctor... babalik na lang sya sa Monday for her theraphy.
Si Nanay na kakagaling lang ng hospital eh sumama na sa amin sa SM :)), nag ikot lang kami tapos kumain kami sa KFC (syempre sagot ni Tito ko :p)... sa tagal tagal na kumakain ako sa KFC eh kanina lang ako kumain ng salad nila na puro gulay at wag kayo nasarapan ako (to think that im not eating vegetables :D, syempre matutwa nyan si jep :*) hehe la lang.
Pagkatapos namin kumain eh umuwi na din kami... dumaan pala muna ako sa Alfred at gumawa ng cookies n cream na shake para sa mga pinsan kong bata (Jay2 & Ajing) at kay Jowey at tsaka kami umuwi...
Un lang po... bow :D
Friday, April 22, 2005
Deadma daw, la lang!!!
Masamang masama ang loob ko sa taong yun dahil sa mga ginawa nya... ang gusto ko lang eh maramdaman nyang masama ang loob ko sa kanya at gusto kong patunayan nya muna na wala na syang gagawing kalookohan sa amin... Hinihintay ko na lang na sya mismo ang kumausap sakin at magsabi na nagtatampo na sya, para marinig nya mismo sakin yung mga dahilan kung bakit ko sya "dinedeadma". yun lang....
Taray ko ba??? :D:p:D:p
Sakit sa ulo!!!
Sumasakit din ulo ko sa pag iisip ng mga bagay bagay. Parang gusto ko muna tumigil ang mundo sa pag ikot para lang magkaroon ang mga tao ng kahit isang araw na pahinga. Sakit sa ulo ang ang pag iisip sa mga matatanda na parang mga bata, hindi mo alam kung anung gusto nila sa buhay nila... minsan nga iniisip ko na masarap pa rin maging bata kase wala kang problemang dapat intindihin, isipin mo lang ay laro at kung paano ka kakain, tapos kung may gusto ka eh dadaanin mo lang sa iyak eh makukuha mo na gusto mo. ewan ko ba kung bakit kailangang maging kumplikado ang buhay ng tao?!?@? kung sa bagay wala namang kwenta kung laging bata... ewan ko !@#$#!@!
Gusto kong iplease lahat ng taong mahal ko.. pero hindi naman pwede yun eh... kung pwede lang sana naging masaya na ang mundo.
Dito na lang muna... sa susunod n lang ulit. babai :p:p:p
Thursday, April 21, 2005
Tuesday, April 19, 2005
Love: The Rollercoaster Ride
Love is no walk in the park—it’s hard work, plain and simple. It’s unpredictable. One moment, you’re in tears, and the next, you’re laughing...
-
When you're in a new relationship everything feels like heaven. It's all happiness and loved. You feel like there's always a but...
-
Why do I feel like we’re no longer on the same page? Are we slowly drifting away from each other? Do small things always have to spark such ...
-
Mocha : HAPPY HAPPY FOOD DAY MAMI! Yab yu Mami! ***Mami's not feeling well since they arrived home last Sunday night from Bicolandia . ...