Tuesday, May 03, 2005

Naghatid lang po....

Ngayon ang araw ng balik ni Tito Ervin sa States... makikipagkita sana kami ngayon ni Jep kay Tita Josie pero cancelled na kase nga maghahatid kami nila mama sa airport mamaya... kailangan daw eh mga 5pm kami umalis ditto sa bahay (10pm p naman flight ni Tito Ervin :D)





Bago pa namin ihatid si Tito Ervin eh maaga silang umalis (mama, papa, tito). Si mama at si papa eh papunta sana sa insurance ng hindi inaasahang pagkakabangga nila sa truck... kaya kinailangan namin hiramin yung revo nila Tito Raffy para panghatid namin. Samantalang si Tito Ervin naman eh sinundo pala si Grace at ang alam ko eh ng enroll na sila sa St. Agustine School of Nursing, 2-Yr-Practical Nursing ata course nya.

Naunang umuwi sila Tito Ervin kase mag iimpake pa sya ng mga dadalhin nya.. mga banding 2pm sila dumating... tapos nung mga 4:25pm na eh dumating na si Tatay at dala na yung revo. Nung una eh nagaaya na sya umalis pero sabi ni Tito Ervin eh bumili muna kami ng meryenda... kaya bumili kami ni Tatay sa Jollibee.. pagkakain eh umalis na agad kami at nakipag meet na lang sila mama sa may Kalayaan kase iniwan na nila yung kotse sa may Shell (dun yung office nung may ari ng truck na nakabangga kila mama). Tapos deretso airport na...

Dumating kami ng mga 7:15pm sa airport pero hinintay namin si Tito ng mga hanggang 9pm... (sayang hindi ko na naman napanood ENCANTADIA). Tapos umuwi na kami.

1 comment:

Just like that, 2023 is almost over

How time flies so quick. Just like that we are already at the end of the year. There's so many memories this year have given me. This is...