Wednesday, May 04, 2005

XBOX kila Jep...

Nagpunta ako kanina kila Jep para kunin yung video cam namin kase ang tagal na nun pinapakuha sakin ni papa eh... gagamitin daw nya.... Nung nandun na ako sa kanila eh dapat eh sandali lang kami at aalis na din agad... kaya lang pinaglaro pa muna nya ako ng XBOX... hehe naaliw ako kaya medyo naglaro na muna kami kaya medyo hapon na kami nakaalis sa kanila. Tapos eh dumiretso kami sa SM North.

Pagdating namin sa SM eh kumain kami sa KFC, at umorder ng salad... (hahaha... puro gulay un!!!! Pero naubos ko.). Pagkatapos namin kumain eh nag ikot kami ni Jep sa SM kase naghahanap sya ng bala ng XBOX (pirated). Naikot namin yung SM tapos nagpunta pa kami sa Cyberzone para lang mgahanap ng bala... nakakita sya ng Php150.00 pero wala naman dun yung gusto nyang laro (hahahahaha). Sa pag iikot nga namin eh napadpad kami sa Quantum at naglaro kami ng basketball... tapos namin maglaro eh umuwi na kami... nagtaxi kami kase inuwi ni Jep yung Cpu at laptop ni Mary Lou, papa check daw sa kanya yun eh...

Yun lang po.... bow.... Clap... clap... clap... :D:D::D

No comments:

Post a Comment

Just like that, 2023 is almost over

How time flies so quick. Just like that we are already at the end of the year. There's so many memories this year have given me. This is...