Matagal na akong may problema sa connection ko sa internet. Dialup ng Bayantel gamit ko dati, lagi akong nadidisconnect agad(actually kahit anong isp eh nadidisconnect talaga agad). Kahit na ilang buwan ko nang nirereklamo sa Bayantel problema ko eh wala silang nagagawang solusyon! Kakainis nga eh.
Sa kadahilanang hindi ako makaconnect sa internet gamit ang dialup eh nakaisip na ako magpakabit ng DSL.
Friday last week kami nag apply ni mama sa Bayantel (July 7, 2006), ang sabi sa amin eh 3-4 days lang eh may magpupunta na dito sa bahay para mag install. Inabot ng isang linggo ang pagpunta ng installer dito. Sakto Friday kahapon nang dumating installer ng Bayantel. agad naman nya kinabit modem at binigay username at password ko.
Kala ko okay na lahat... natuwa na sana ako kase nakakapag internet na ako nang hindi napuputol eh. Umalis na din yung installer (installer ng DSL na walang alam sa pc, si Jep pa nagtuturo sa kanya :D). Habang nakaconnect ako sa internet eh may biglang tumawag sa phone namin... :)) hahaha, nung sinagot phone namin eh naputol connection ko... hahaha, tapos nung binaba na yung phone eh naputol ulit connection ko... (hahaha ulit!).
Waaah! Anong klaseng DSL to? tuwing may mag-aangat ng phone namin eh napuputol connection ko?
Mapa Dialup o DSL eh nahihirapan ako makaconnect ng maayos... may sumpa ata dito sa lugar namin eh. wala pa kaming choice kase Bayantel pa lang talaga ang linya dito sa lugar namin. :((
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2nd month of 2025
February is almost over—time flies so fast! Just a quick update: My partner is finally with me, and we are home—home in each other's arm...
-
Why do I feel like we’re no longer on the same page? Are we slowly drifting away from each other? Do small things always have to spark such ...
-
When you're in a new relationship everything feels like heaven. It's all happiness and loved. You feel like there's always a but...
-
I am sure a lot of guys wonder why women stay longer in the restroom even if we will just pee. This picture explains the reason why. =) (via...
Kakainis nga pag ganyan eh no? Nagbabayad ka naman ng maayos. Teka saan ba yang place nyo at mabagal pa ang connection.
ReplyDeleteKakainis talaga. Dito po kami sa Quezon City. Ewan ko ba kung bakit Bayantel pa lang linya dito.
ReplyDelete