Sunday, August 27, 2006

Bakasyon muna

Sa ngayon po eh kailangan ko muna magbakasyon sa pagboblog. hindi naman ako mawawala eh, dadalaw dalaw pa din ako sa mga kapitbahay ko. yun nga lang, hindi na ako makakapag update ng blog ko nang kasing dalas ng dati, pero mag uupdate pa din po ako ;).

Hanggang sa susunod! ;)

Friday, August 25, 2006

4 years old na si Ishi , laki na nya!


Ishi kulit


Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag post ha? Wala kaseng pumapasok sa isip kong magandang ipost eh, tsaka wala din kase ako sa mood na gumawa ng entry nitong mga nakaraang araw eh.

Anyway, Kagabi galing ako kila Dailon (college friend ko), birthday nya kase eh (actually ngayon ang birthday nya kaya lang off nya kahapon kaya kahapon siya nagpapunta). May konting handaan sa kanila kaya pinapunta nya ako.. tsaka medyo matagal na din kase kaming hindi nagkikita eh. isa pa para na din makita ko yung inaanak ko (huli kong nakita si Ishi nung binyag nya, haha).

Pagkadating ko dun eh sinalubong agad ako ni Lohn at ni Ishi, syempre si ninang naman eh nag abot naman ng maliit na regalo, tuwang tuwa naman yung bata, hehe. Pagpasok ko sa loob ng bahay eh medyo nanibago ako, medyo naging maluwang yung bahay nila, nagparenovate daw sila. Kinumusta ko na din si Tita, yung mommy ni Dailon.

Sa iba pang bisita ni Lohn eh isa lang ang kakilala ko, hindi ko pa close.. ayoko naman humalo sa iba kase nag iinuman sila, hindi naman ako umiinom eh, at kung sakaling umiinom ako eh hindi din pwede kase magda drive pa ako pauwi eh. Kaya si Tita na lang ang kakwentuhan ko.. at si Ishi na sobrang kulit, hehe... nung una eh pasilip silip lang sakin si Ishi, tapos nung nag umpisang kausapin ako eh hindi na ako nilayuan. Nandyan yung magcolor kami ng books nya, nagsulat din sya ng name nya, pati numbers 1 to 100 eh sinulat na din, haha, hindi na talaga nagpapigil yung bata.. nagdrawing pa nang kung anu anong shape, hehe.


singkit


Tuwang tuwa nga ako kay Ishi eh, kahit na makulit eh nakakaaliw naman. haha, isa pang kinatutuwa ko kay Ishi eh pareho kaming singkit samantalang wala namang singkit sa bahay nila (bagay ko nga daw maging anak eh).

Pagkatapos ng kulitan eh natulog na din ang bata kase may pasok pa kinabukasan eh, kaya kami naman ni Lohn ang nagchikahan, sandali na lang kami nag usap kase kailangan ko na din umuwi eh, late na at wala din akong kasama umuwi.

Happy Birthday sayo Dailon at sa isa pang "dating" friend ko :D.

Nga pala, hanggang ngayon eh hindi pa din ubos ang gatas, hehe... wala na kaseng nagtitimpla eh. ;)

Saturday, August 19, 2006

Baby Milk for Adult =)


One Year onward naman eh! hahahaha


Kaninang tanghalian (11:30am) eh nagpaplano na sila mama at yung bunso namin na pupunta sila ng SM, wala lang magpapalamig lang sana =). Kaya lang kaninang mga 1:30, habang naliligo si bunso eh sumakit ulo ni mama, kaya hindi na sila natuloy pang umalis.

Dahil sa naubusan si mama ng gamot nya para sa migraine eh nagpabili na lang sya sa aming magkapatid sa labasan (malayo kase botika sa amin eh). Nagpabili na din sya ng tinapay na pang meryenda at gatas.


Yung gatas eh panlagay namin yun sa kape, mas nasasarapan kase kami kaysa sa cream eh (CoffeeMate).

Eh di umalis na kami magkapatid, dala namin yung kotse namin. Sa may botika eh walang parking kaya iniwan ko yung kotse sa malapit sa botika, yun nga lang tatawid na lang ako. tumawid na ako at bumili ng gamot. Sa tabi ng botika eh may mini grocery, pumasok na din ako at bumili ng tinapay at gatas. nagmamadali ako kase iniwan ko yung kapatid ko sa parking eh. tapos pagkabili ko eh umuwi na kami.

Pag kauwi namin eh, pinainom ko na agad si mama ng gamot nya, tapos nagmeryenda na kami ng tinapay... syempre masarap ang may kape, kaya nagtimpla ako, sinamahan ko na din ng gatas na binili ko... sabi ko parang iba lasa... pero sige tuloy lang sa pag inom, naubos ko na. Sarap naman eh =)

Ngayong gabi naman eh nagtimpla si mama ng gatas (walang kape), hahaha nagtaka din sya kung bakit iba ang lasa, tinignan nya yung box ng gatas, hahaha pang bata pala. pang isang taon yung gatas. hahaha, sumakit tyan ko sa kakatawa. sabi tuloy ni mama, ubusin ko daw lahat yung gatas dahil hindi na pwede ipapalit yun eh, hehe. Hindi naman kaya masira tyan ko sa gatas ng bata? (kung sa bagay, baby nga kaya nila eh =)).







Hanggang ngayon na pinopost ko to eh tumatawa pa din ako mag isa, para na nga akong baliw eh, hehe. Yun lang po, share ko lang yung experience ko ngayon, hahaha.

Saturday, August 12, 2006

Pictures nung birthday ni mama

Sa lahat po ng bumati sa birthday ni mama ay maraming maraming salamat po sa inyo.
Eto na din pala yung mga picture namin, hehe muntik ko na makalimutan ipost :D.



Medyo madami rin naman dumating, pero puro kamag anak lang :D.











Medyo konti lang mga kuha kase lahat busy sa pagkain eh =). Naisip na lang nila magpicturan nung tapos na kami kumain, hehe.

Nga pala madami pang natira sa handa, nilagay lang namin sa ref at kinain ulit namin nung sumunod na araw :D, microwave lang katapat nun. =))

Wednesday, August 09, 2006

Happy Birtday Mama!

Happy Birthday Mama!!!


yan si mama


Hulaan nyo nga kung ilan taan na sya? :D

Maghahanda kami ng pang meryenda mamya... pupunta kase mga lola ko mamya eh... kwentuhan ko na lang kayo pagkatapos na kainan... ikakain ko na din kayo :D.

Saturday, August 05, 2006

Happy Birthday Tito Ervin :(

Birthday ngayon ni Tito Ervin, 59 years old na sana sya ngayon... kaya lang wala na sya eh, he died last November 2, 2005. Nakakamiss nga sya eh.


yan si Tito Ervin, nakasingit pa yung kapatid ko :D


Si Tito Ervin ay pinsan ni papa ko, sa Amerika sya talaga nakatira, pero nung tumigil na sya sa pagtatrabaho eh naisip nyang bumalik dito sa Pilipinas para mag enjoy. February last year nang umuwi sya ng Pilipinas at sa amin na tumira si Tito... almost 8 months namin sya nakasama.

Matagl na syang may diabetes... hindi nga lang sya masunurin sa doctor kase lahat ng bawal eh yun ang ginagawa nya, ang reason nya kase "dibale na daw kase may gamot naman at kung mamatay daw sya eh sa sarap" :D. kaya lumala ang sakit nya at nagkaroon ng komplikasyon na syang kinamatay nya :(.

Kaya siguro ganun na lang sya kung gumastos... lahat na ata ng pwedeng bilin eh binibili nya kahit na hindi na para sa kanya, mahilig syang magbigay. Masiyahin at palakaibigan si Tito. Siguro nga alam nyang malapit na sya mawala kaya nag enjoy na lang sya. Masasabi ko na sa tinagal nya sa Amerika eh pinili pa rin nyang mamatay dito sa atin :(.


Babai Tito... :(

Hay... nakakamiss talaga si Tito :(

Friday, August 04, 2006

Syke = weirdo, Weirdo = syke

April last year pa ako ginawan ng template ni Jep para dito sa blog ko. Dial-up pa lang gamit ko noon, kaya hindi ko masyado pinapansin ang blog ko. Nakakapagpost lang ako kapag hindi tinotopak dial-up ng Bayantel, o kaya naman kapag nakakapunta ako sa kanila (kila Jep).

Last July 14, 2006 eh nagpakabit na kami ng Bayantel-DSL. Simula noon eh nag enjoy na ako sa pagpopost sa blog ko. Nakakatuwang magclick ng magclick para tumingin ng iba't ibang blog at para makipag link exchange :D. Nakakatuwa ding magbasa ng mga comments na galing sa mga taong hindi mo naman talaga kakilala, syempre nagcocomment din ako sa post ng ibang bloggers.

One time meron akong naclick na blog, kay Gigi at sa pagbabasa basa eh may nakita akong picture ng taong medyo familiar sakin, kaya ngtanung ako sa kanya, ang sabi nya eh tatanungin daw muna nya yung kaibigan nya.



So kala ko okay na... nang bigla na lang may nagmessage sa tag board ko. Ni hindi ko nga sya kakilala eh (hindi ko nga alam blog nya eh)... kung anu-ano na ang sinabi nya. Syempre nainis ako, binalik ko sa kanya yung message nya at tinanong ko kung akin talaga yung message nya, hahaha... sinagot nya ulit ako ng tanong. Sobrang weirdo tong syke na to =)).

Nabasa din ni Jep ang message nya... syempre nagalit sya, pinagtanggol nya ako kay syke, nauna pa nga sya gumawa ng entry sa blog nya tungkol dito eh. Basahin nyo na lang yung pinost ni Jep

Ngayon si gigi ang humihingi ng sorry sa amin ni jep... hiyang hiya sya ngayon sa ginawa ni syke (na ex na pala nya). Sana lang kung hindi nagpadalos dalos si syke eh hindi na aabot pa sa ganito... kawawa naman si gigi.


click to enlarge (gawa ni jep)

Para sayo naman gigi eh sa una pa lang eh hindi ako galit sayo, natural lang na sumama ang loob ko kay syke dahil sa ginawa nya. Sana lang eh makapagusap na kayo ng maayos at para hindi na maulit sa iba. ;)

Love: The Rollercoaster Ride

Love is no walk in the park—it’s hard work, plain and simple. It’s unpredictable. One moment, you’re in tears, and the next, you’re laughing...