Noong unang beses kong pumasok sa college eh anim lang kaming mga babae sa buong klase at isang medyo girl (ako, at mga taong itatago natin sa mga alias na: cimh, ann, rolf, nit, naj at kit
na medyo girl lang --- inuulit ko, nde nila tunay na pangalan yan), dahil sa anim lang kami at isang medyo girl eh agad kaming naging magkakaibigan, naging masaya samahan naming lahat. Nung dumating yung 2nd tri namin eh nag iba ng section sila cimh at ann, si rolf naman eh kinailangan mag stop... meron akong bagong pinakilala sa kanila na kaibigan ko na, nung high school pa, si zira (pekeng pangalan pa din)... Kahit iba-iba ugali naming lahat at kahit minsan eh nagkakasamaan ng loob eh masasabi kong naging masaya at maganda naman ang barkada namin... hanggang maka graduate kami eh buo pa ang samahan... (nauna lang ng konti si ako at zira makatapos). Nga pala, naging active at officers din si ako at zira sa number one org sa school kung saan ko nakilala boy friend ko.
Okay na graduate na kami... may kanya kanyang buhay na lahat, pero hindi pa din nawala communications namin kahit papaano... lalo na si ako at zira. Dahil nga mas matagal ko na syang nakasama eh masasabi kong sa lahat, eh sya ang pinaka kakilala ko ugali, para kaming naging "best friends", natutulog sya sa amin at minsan eh natutulog ako sa kanila. kahit na may trabaho na kami eh nag uusap at nagkikita pa din kami paminsan minsan.
Eto na talaga umpisa ng lahat... April 2004, Nagtatrabaho ako noon sa isang accounting firm at si zira naman eh sa office ng daddy nya nagtatrabaho nang biglang yayain nya ako at ang bf ko para sumama sa seminar ng First Quadrant... una pa lang eh ayaw ko na sa FQ, pero dahil nga kaibigan ko sya eh pumayag na din ako magseminar... nagusap kami na 530pm ang labas ko sa trabaho at mga 7:00 ng gabi na ako makakarating sa seminar, pumayag naman sya na 7:oopm na kami pupunta... malinaw usapan namin. dumating ang araw ng seminar... wala pang 530 ng hapon eh text na sya nang text na kailangan na daw namin magpunta doon dahil mag uumpisa na seminar (gulo nya kausap noh?)... 5:30 ng hapon pagka time out ko eh tinanong ko agad sya kung pwede pa kaming humabol kase nga kakalabas ko lang at babyahe pa ako, nagsabi naman sya na pwede pa daw kaming humabol...bago kami pumunta ng bf ko sa seminar eh kumain muna kami ng dinner sandali sa jabee, habang kumakain kami eh nagtext sya na dalian daw namin dahil matatapos na seminar (parang gusto kaming paliparin!)... wala pang ilang minuto eh nagtext na naman sya at bigla ba namang sabihin na huwag na daw kami tumuloy kase tapos na seminar... (kakainis diba? sana umuwi na lang kami at wala pang gastos). Huminge naman sya ng pasensya, nakakainis pero hinayaan na namin yun. Hanggang isang araw nagsumbong kay bf yung kaibigan namin sa org sa ginawang panggagamit ni zira sa pangalan ng bf ko...
May 17, 2004 nang tumawag sa cellphone ko si zira at nangangamusta, sabi ko naman okay lang. nagtanung din sya kung galit ako sa kanya, sinabi ko namang hindi... ask ulit nya kung si bf ko naman ang galit sa kanya... sabi ko naman bakit hindi nya tawagan para alamin nya at makahinge sya ng sorry sa paggamit nya ng pangalan nito... hindi nya tinawagan ang bf ko, hindi sya humingi ng sorry. Yun na ang huling pag uusap namin, wala nang naging kasunod na usapan... ni hindi na nga nya ako binati nung birthday ko eh (May 20 birthday ko).
July 7, 2006. Pinakialaman ni bf ung cellphone ng kaibigan nya na nakakatext ni zira... nangamustah sya, hindi nya sinabi na sya si bf... basta nangamusta lang sya... aksidenteng nalaman nya na nasa Zambales si zira para dumalo ng kasal ni nit... tinanong ni bf kung sinu sino pa ang imbitado... sumagot si zira na sina kit, kaya lang nasa HK, si naj, kaya lang hindi pinayagan ng asawa (malamang matagal nang alam ni zira n kasal na to, ako 1month after ko pa lang nalaman). syempre tinanong na din ni bf kung imbitado din si ako, ang sagot ni zira eh hindi daw nya alam. Nang malaman ko na kasal ni nit eh naginit ulo ko, sumama loob ko... pakiramdam ko nabalewala ako sa kanila... bakit hindi man nila nakuhang ipaalam sakin na ikakasal na pala ang kaibigan namin... kung hindi pa dahil sa aksidenteng pakikialam at pagtetext eh hindi ko malalaman ang lahat...
Dahil sa sama ng loob ko eh tinext ko si naj... parang sya pa galit at lumalabas na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit wala akong alam. Tinext ko din ung bride na si nit... nung una sabi nya "hus dis?" daw... nung nagpakilala ako eh biglang namatay yung cellphone nya (nag lowbatt daw... hehe!!)... tinext ko na din si zira... kaya lang bangag ata sya kase wala sa hulog mga sagot nya eh... malayo sa mga sagot ko (hindi ko na iisa isahin text namin sa isa't isa dahil sobrang haba).
Kanina (July 9, 2006), nagtext sya at gusto nyang makipagkita sakin para daw maayos na ang lahat... pero kung pwede daw eh ako lang mag isa (ibig sabihin walang bf). Tinanong ko sya kung bakit ayaw nya isama ko bf ko eh sa tutuusin sa kanya sya may problema at hindi sa akin... sa kanya dapat sya makipag ayos dahil kay bf sya may atraso eh... Ask ko din kung bakit ngayon lang nya naisip makipag ayos eh ilang taon na din ang nakalipas at medyo malalim na yung nangyari... awa ng Diyos eh hanggang ngayon (gabi na!) wala pa naman syang matinong reply... (kelan kaya sya sasagot ng matino?).
Masamang masama loob ko sa kanila ngayon (naj, nit at lalo na kay zira na tinuring ko nang kapatid), pakiramdam ko talaga nabalewala ako. Kay zira naman... eh kaya naman pala nyang makagawa ng paraan para hindi maputol yung communication eh bakit hindi nya pa ginawa dati pa... sana lang naisip nya ayusin ang lahat nung fresh pa lahat ng issue at hindi ngayong malala na... lahat ng way nandyan para makipagcommunicate sakin... nandyan ang email, friendster, text, ym at kung anu ano pa... Kung talagang pinahalagahan nya pagkakaibigan namin eh hindi nya paabutin ng ganito katagal. Sana maayos pa din ang lahat... Sana masaya pa din... :((