Sunday, July 16, 2006

Swimming party...

Last week pa nung tumawag dito si ate Leiah para magimbita sa 7th birthday ni Mai-Mai. Simula nang araw na tumawag sya eh yung kapatid kong bunso at mga pinsan ko eh naging super excited na.

Kahapon eh maaga pa lang eh halos gising na ang lahat. ako mga 8:30am (maaga sa usual na 10:00am na bangon ko :D) eh bumangon na din ako para mag ayos ng mga dadalin kong gamit sa swimming party kase 10am daw kami aalis eh.


So before 10am eh nandun na kami sa mga lola ko kase dun ang meeting place para sabay sabay kami pupunta sa Greenpark Village (malapit sa Sta. Lucia Mall). As usual ilang oras kami nag intay dun dahil sa pasaway naming tito (hi kuya robel :D), ang tagal nyang dumating... grabe past 11am na kami nung nakaalis.

Bale 3 cars kaming sabay sabay na umalis kahapon. Buti na lang at walang traffic, dahil siguradong wala na kaming aabutan kung inabutan pa kami ng traffic. Habang nasa kotse kami eh nagpicture picture kami :D.




Almost 1pm na kami nang makapunta sa party. Nandun din pala yung ibang pinsan namin na matagal tagal ko nang hindi nakikita, konting beso beso at chika. At syempre dahil gutom na ang lahat eh kumain na agad kami. Pagkatapos namin kumain eh nagpalit na agad ng panligo ang mga bata at saby deretso sa pool. Kami naman ng mga pinsan ko eh ng chitchat muna, tapos napalit na din kami ng pampaligo at sinabayan na ang mga bata sa pool. Saya nga eh.





Buti nalang at hindi masyado maiinit kahapon, dahil kung nagkataon eh sobrang itim ko na ngayon. Naging masaya naman ang lahat. Hindi ko nga inasahan na ang 7th birthday ni Mai-Mai(Happy Birthday ulit MiMai!) eh magiging parang reunion na namin magpipinsan. Enjoy ang lahat.





5:30pm na ata nung naghiwalay hiwalay kaming lahat. Sobrang enjoy ang party ni Mimai. dami pa food :D. Sana maulit pa.

Sa Byahe pauwi eh pagod ang lahat. ang mga bata eh nakatulog sa pagod. pati na din ako napagod sa pagwisik wisik sa tubig :D.

Saturday, July 15, 2006

Bayantel DSL daw!

Matagal na akong may problema sa connection ko sa internet. Dialup ng Bayantel gamit ko dati, lagi akong nadidisconnect agad(actually kahit anong isp eh nadidisconnect talaga agad). Kahit na ilang buwan ko nang nirereklamo sa Bayantel problema ko eh wala silang nagagawang solusyon! Kakainis nga eh.

Sa kadahilanang hindi ako makaconnect sa internet gamit ang dialup eh nakaisip na ako magpakabit ng DSL.

Friday last week kami nag apply ni mama sa Bayantel (July 7, 2006), ang sabi sa amin eh 3-4 days lang eh may magpupunta na dito sa bahay para mag install. Inabot ng isang linggo ang pagpunta ng installer dito. Sakto Friday kahapon nang dumating installer ng Bayantel. agad naman nya kinabit modem at binigay username at password ko.

Kala ko okay na lahat... natuwa na sana ako kase nakakapag internet na ako nang hindi napuputol eh. Umalis na din yung installer (installer ng DSL na walang alam sa pc, si Jep pa nagtuturo sa kanya :D). Habang nakaconnect ako sa internet eh may biglang tumawag sa phone namin... :)) hahaha, nung sinagot phone namin eh naputol connection ko... hahaha, tapos nung binaba na yung phone eh naputol ulit connection ko... (hahaha ulit!).

Waaah! Anong klaseng DSL to? tuwing may mag-aangat ng phone namin eh napuputol connection ko?

Mapa Dialup o DSL eh nahihirapan ako makaconnect ng maayos... may sumpa ata dito sa lugar namin eh. wala pa kaming choice kase Bayantel pa lang talaga ang linya dito sa lugar namin. :((

Sunday, July 09, 2006

Sama ng loob sa kaibigan!!!

Noong unang beses kong pumasok sa college eh anim lang kaming mga babae sa buong klase at isang medyo girl (ako, at mga taong itatago natin sa mga alias na: cimh, ann, rolf, nit, naj at kit na medyo girl lang --- inuulit ko, nde nila tunay na pangalan yan), dahil sa anim lang kami at isang medyo girl eh agad kaming naging magkakaibigan, naging masaya samahan naming lahat. Nung dumating yung 2nd tri namin eh nag iba ng section sila cimh at ann, si rolf naman eh kinailangan mag stop... meron akong bagong pinakilala sa kanila na kaibigan ko na, nung high school pa, si zira (pekeng pangalan pa din)... Kahit iba-iba ugali naming lahat at kahit minsan eh nagkakasamaan ng loob eh masasabi kong naging masaya at maganda naman ang barkada namin... hanggang maka graduate kami eh buo pa ang samahan... (nauna lang ng konti si ako at zira makatapos). Nga pala, naging active at officers din si ako at zira sa number one org sa school kung saan ko nakilala boy friend ko.

Okay na graduate na kami... may kanya kanyang buhay na lahat, pero hindi pa din nawala communications namin kahit papaano... lalo na si ako at zira. Dahil nga mas matagal ko na syang nakasama eh masasabi kong sa lahat, eh sya ang pinaka kakilala ko ugali, para kaming naging "best friends", natutulog sya sa amin at minsan eh natutulog ako sa kanila. kahit na may trabaho na kami eh nag uusap at nagkikita pa din kami paminsan minsan.

Eto na talaga umpisa ng lahat... April 2004, Nagtatrabaho ako noon sa isang accounting firm at si zira naman eh sa office ng daddy nya nagtatrabaho nang biglang yayain nya ako at ang bf ko para sumama sa seminar ng First Quadrant... una pa lang eh ayaw ko na sa FQ, pero dahil nga kaibigan ko sya eh pumayag na din ako magseminar... nagusap kami na 530pm ang labas ko sa trabaho at mga 7:00 ng gabi na ako makakarating sa seminar, pumayag naman sya na 7:oopm na kami pupunta... malinaw usapan namin. dumating ang araw ng seminar... wala pang 530 ng hapon eh text na sya nang text na kailangan na daw namin magpunta doon dahil mag uumpisa na seminar (gulo nya kausap noh?)... 5:30 ng hapon pagka time out ko eh tinanong ko agad sya kung pwede pa kaming humabol kase nga kakalabas ko lang at babyahe pa ako, nagsabi naman sya na pwede pa daw kaming humabol...bago kami pumunta ng bf ko sa seminar eh kumain muna kami ng dinner sandali sa jabee, habang kumakain kami eh nagtext sya na dalian daw namin dahil matatapos na seminar (parang gusto kaming paliparin!)... wala pang ilang minuto eh nagtext na naman sya at bigla ba namang sabihin na huwag na daw kami tumuloy kase tapos na seminar... (kakainis diba? sana umuwi na lang kami at wala pang gastos). Huminge naman sya ng pasensya, nakakainis pero hinayaan na namin yun. Hanggang isang araw nagsumbong kay bf yung kaibigan namin sa org sa ginawang panggagamit ni zira sa pangalan ng bf ko...

May 17, 2004 nang tumawag sa cellphone ko si zira at nangangamusta, sabi ko naman okay lang. nagtanung din sya kung galit ako sa kanya, sinabi ko namang hindi... ask ulit nya kung si bf ko naman ang galit sa kanya... sabi ko naman bakit hindi nya tawagan para alamin nya at makahinge sya ng sorry sa paggamit nya ng pangalan nito... hindi nya tinawagan ang bf ko, hindi sya humingi ng sorry. Yun na ang huling pag uusap namin, wala nang naging kasunod na usapan... ni hindi na nga nya ako binati nung birthday ko eh (May 20 birthday ko).

July 7, 2006. Pinakialaman ni bf ung cellphone ng kaibigan nya na nakakatext ni zira... nangamustah sya, hindi nya sinabi na sya si bf... basta nangamusta lang sya... aksidenteng nalaman nya na nasa Zambales si zira para dumalo ng kasal ni nit... tinanong ni bf kung sinu sino pa ang imbitado... sumagot si zira na sina kit, kaya lang nasa HK, si naj, kaya lang hindi pinayagan ng asawa (malamang matagal nang alam ni zira n kasal na to, ako 1month after ko pa lang nalaman). syempre tinanong na din ni bf kung imbitado din si ako, ang sagot ni zira eh hindi daw nya alam. Nang malaman ko na kasal ni nit eh naginit ulo ko, sumama loob ko... pakiramdam ko nabalewala ako sa kanila... bakit hindi man nila nakuhang ipaalam sakin na ikakasal na pala ang kaibigan namin... kung hindi pa dahil sa aksidenteng pakikialam at pagtetext eh hindi ko malalaman ang lahat...

Dahil sa sama ng loob ko eh tinext ko si naj... parang sya pa galit at lumalabas na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit wala akong alam. Tinext ko din ung bride na si nit... nung una sabi nya "hus dis?" daw... nung nagpakilala ako eh biglang namatay yung cellphone nya (nag lowbatt daw... hehe!!)... tinext ko na din si zira... kaya lang bangag ata sya kase wala sa hulog mga sagot nya eh... malayo sa mga sagot ko (hindi ko na iisa isahin text namin sa isa't isa dahil sobrang haba).

Kanina (July 9, 2006), nagtext sya at gusto nyang makipagkita sakin para daw maayos na ang lahat... pero kung pwede daw eh ako lang mag isa (ibig sabihin walang bf). Tinanong ko sya kung bakit ayaw nya isama ko bf ko eh sa tutuusin sa kanya sya may problema at hindi sa akin... sa kanya dapat sya makipag ayos dahil kay bf sya may atraso eh... Ask ko din kung bakit ngayon lang nya naisip makipag ayos eh ilang taon na din ang nakalipas at medyo malalim na yung nangyari... awa ng Diyos eh hanggang ngayon (gabi na!) wala pa naman syang matinong reply... (kelan kaya sya sasagot ng matino?).

Masamang masama loob ko sa kanila ngayon (naj, nit at lalo na kay zira na tinuring ko nang kapatid), pakiramdam ko talaga nabalewala ako. Kay zira naman... eh kaya naman pala nyang makagawa ng paraan para hindi maputol yung communication eh bakit hindi nya pa ginawa dati pa... sana lang naisip nya ayusin ang lahat nung fresh pa lahat ng issue at hindi ngayong malala na... lahat ng way nandyan para makipagcommunicate sakin... nandyan ang email, friendster, text, ym at kung anu ano pa... Kung talagang pinahalagahan nya pagkakaibigan namin eh hindi nya paabutin ng ganito katagal. Sana maayos pa din ang lahat... Sana masaya pa din... :((

Friday, June 30, 2006

Cheap cellphones for sale!

To those interested, Jepoy's selling his mobile phones:

Package 1 - 2pcs Nokia 6600
Two Nokia 6600 for only P16,000 (last price)
Nokia 6600
- Bought last Feb 2005 at MemoXpress SM North.
- Original casing and keypads are unused.
- 128MB MMC included.
- With Box and Manuals. Charger not included
- Firmware upgraded to the latest version, works perfectly like new.

Nokia 6600
- Has some scratches on the front cover and back
- Original Nokia 64MB RS-DV MMC included
- Box, Manual, and Charger not included
- Firmware upgraded to the latest version.
- No defects whatsoever.

Package 2 - Nokia 5210 + Nokia 6310 + Sony Ericsson t68i + MCA-25 Cam
All three for only P6,300
Nokia 5210
- Replacement housing.
- Battery in good condition
- No box, manuals, charger
- In good working condition. No defects

Nokia 6310
- Has scratches on the casing and small crack at the lower case.
- No box, manuals, charger
- Works perfectly, No other defects

Sony Ericsson t68i + MCA-25 Communicam
- Casing already faded, Gray color
- Box, manuals, and charger included
- No defects whatsoever.
- Includes MCA-25 Communicam worth P2,000


You can contact him at myPapaNi's text hotline at 0917-2436788 or email at lastikman-AT-gmail-DOT-com. Phones can also be shipped via Air21 or Fedex.

Thursday, June 29, 2006

The right way to criticize...

>>> GIve the criticism in private. Don't embarrass or humiliate the receiver.

>>> Make certain that the receiver is paying attention and is emotionally ready to listen.

>>> Wait for the receiver to get over anger, hurt or confusion.

>>> Don't communicate in anger. Calm down.

>>> Reject the behavior, not the person. Focus on what was done rather than the person's role in it.

>>> Be clear and specific. Use actual examples.

>>> Probe for understanding with questions. Find out how he/she is taking your criticism.

>>> Give the criticism while the behavior is fresh in both your minds.

>>> Show understanding of and empathy for the receiver's situation. This will help win the receiver's trust.

>>> Avoid showing superiority in knowledge, power or insight. "I am better than you" should not be the message.

>>> Focus on behavior the receiver can change.

>>> Don't ascribe intent to the person's behavior. Saying "You don't want to do a good job" will just offend the person. Report on the behavior only.

Thursday, June 22, 2006

Ways to make Woman fall in love with you...

>>> Call her. Tell her (truthfully) that you can't wait to see her again. Or call her just to say you were thinking about her.

>>> Offer her a backrub, without asking for one in return.

>>> Bring her a teddy bear and chicken soup when she's sick.

>>> Slow dance with her (not only on a dance floor).

>>> Bring her flowers for no reason.

>>> Always remember your anniversaries and bring her something sweet.

>>> Kiss her in a middle of a sentence.

>>> Tell her something about you that no one else knows.

>>> Remind her that you still think she's beautiful.

>>> Watch a sappy movie with her.

>>> Surprise her with a candle light dinner.

>>> Tell her you love her.

Friday, June 16, 2006

Eto isa pa... instant!

Look slimmer in an instant!
>>> Slouching adds pounds! Practice holding your chin and stomach in to improve posture and look thinner.

>>> Tight elastics produce bulges. The panty line is a prime culprit.

>>> A little looser (but not baggy) is always better.

>>> Keep your problem areas covered. For example, if your thighs are heavy, do not wear shorts.

Nanay Nedy

It has been exactly one week since you took your last breath, and it is still so hard to believe that you are no longer with us physically. ...