Monday, November 27, 2006

New Pet =D

Last year eh nanganak yun aso namin, lalake at pinangalanan kong "MENO" (white na may mga black sa katawan nya), kung bakit meno? kase akala ko yun na ang last na anak nya at magme-menopause na yung aso namin eh =D. Kaya nanggaling ang "meno" sa word na "menopause". kaya lang ilang buwan lang sya nabuhay kase nagkasakit at namatay agad. :( nalungkot talaga ako nung namatay si meno. At inakala naming hindi na talaga sya magkakaanak pa.


eto si meno:(, pogi noh?


Pero bigla na lang namin napansin na malaki na naman uli tyan nung aso namin, buntis pala uli :D, at nung Nov. 22 nga eh nanganak uli sya. babae naman :D, medyo hawig din sya kay meno, yun nga lang hindi black ang nasa katawan nya kundi brown :D, kaya MOCHA naman ang pangalan nya =D. sana hindi na sya uli magkasakit tsaka sana pareho ni meno na cute at malikot, =D.


eto naman si mocha


Wala pang isang linggo si mocha dyan, kaya pikit pa sya, pero parang hawig din kay meno eh, brown nga lang sya =D. Kapag nakadilat na sya eh popost ko uli picture nya =D.

4 comments:

  1. Akala ko binaligtad na Nemo, para pala sa menopause na aso...hehehe.

    Then yung sumunod para namang flavor ng ice cream. Bakit isa lang? Ganun lang ba sya manganak?

    ReplyDelete
  2. @mami ann, baka kase matanda na yung aso namin, 8 years old na kase eh, pero dati nung mga unang anak nya eh pinaka konti na yung apat =D, dati natatandaan ko eh nanganak din sya ng anim eh :D, tsaka madalas manganak yung aso namin na yun eh, hehe.

    ReplyDelete
  3. congrats sa bagong addition sa family nyo. hehehe. kala ko din dhel sa Nemo ang meno. hehehe ;0

    ReplyDelete
  4. @tin-tin, thanks :). dami nga nag-akala na galing sa Nemo ang Meno :D.

    ReplyDelete

Happy New Year! 🎉 Cheers to 2025!

Wishing you all the best in the year ahead. Things are a bit hectic on my end right now, but I’ll be back soon with more updates. Stay tuned...